27/05/2026
PAMPUBLIKONG PAALALA
Ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay nagbibigay babala sa publiko laban sa pamemeke, pagbabago, hindi awtorisadong paggamit, at maling representasyon ng mga opisyal na dokumento, sertipiko, permit, at lagda na inilalabas ng Bureau.
Muling binibigyang-diin ng BAI na ang anumang uri ng pamemeke o pagbabago ng opisyal na dokumento ay may kaukulang parusa sa ilalim ng Revised Penal Code at iba pang naaangkop na batas, alituntunin, at regulasyon.
Sineseryoso ng BAI ang mga ganitong gawain dahil sinisira nito ang integridad ng mga dokumentong inilalabas ng pamahalaan at maaaring makaapekto sa tiwala ng publiko, pagsunod sa regulasyon, at kalusugan at kapakanan ng mga hayop.
Pinapayuhan ang publiko na makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong tanggapan at agad na ireport ang mga kahina-hinala, binago, o hindi awtorisadong dokumento na gumagamit ng pangalan, logo, o lagda ng BAI.
Pinaaalalahanan din ang publiko na maging responsable at maingat sa pagpo-post o pagbabahagi ng mga regulatory at legal na dokumento sa social media upang maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit, maling representasyon, o posibleng maling paggamit ng opisyal na impormasyon.