28/10/2026
♥️♥️♥️
LONG DRAMATIC POST AHEAD ⚠️
Minsan, kapag nakikita natin kung nasaan na tayo ngayon, nakakalimutan natin kung gaano kahirap ang simula. Kaya gusto ko lang i-share sa inyo ang isang part ng journey ko na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin.
Honestly, way back then, hindi ko naman naisip na mapupunta ako sa ganitong industriya. All I wanted was to have a pet. Wala akong plano na magkaroon ng rabbitry. Gusto ko lang talaga mag-alaga. Simple as that.
Bago pa dumating ang Cunicultura MNL, bago pa dumating sa atin ang iba’t ibang bloodlines, bago pa ako natuto. Wala akong malaking puhunan noon. Wala akong connections sa mga big-time breeders. Wala rin akong sapat na kaalaman sa rabbitry. Ang meron lang ako ay curiosity, pagmamahal sa mga hayop, at kagustuhang matuto.
Pero alam n’yo ba kung ano ang isa sa pinakamahirap sa pagiging beginner sa larangan na to?
Minsan, bago ka pa matuto, huhusgahan ka na agad. Imbes na guidance at maayos na sagot sa mga tanong mo, mas marami
ka pang matatanggap na bashing at unwanted comments habang nagsisimula pa lang. Danas na danas ko yan haha bigtime breeders na respectable kuno.
Dumating na nga sa punto na namatay ang isa sa mga alaga ko. Mix breed lang siya noon, at wala naman siyang kung anong pedigree o mataas na halaga. Pero para sa little brother ko, hindi siya basta rabbit lang. Parte siya ng araw-araw namin.
At alam n’yo, doon ko mas naintindihan na hindi naman nasusukat sa breed, presyo, pedigree, o bloodline ang halaga ng isang alaga. Kahit gaano pa kasimple ang rabbit mo, kapag minahal mo, masakit pa rin kapag nawala.
And then I posted it sa isa sa mga Facebook Groups na may mga rabbit keepers. I ask ano ba ang mali at ano ba ang mga dapat i-improve. Sa dami ng hindi magandang comments na natanggap ko noon, may isang tao na hindi ko talaga makakalimutan.
Si Tatay Rey. Hindi niya ako kilala nang personal, pero sa halip na husgahan ako o punahin ang kakulangan ko, nag-comment siya huwag na daw ako masyado mag-isip at bibigyan niya na lang ako ng isang pares ng upgraded rabbits.
Isang pares lang para sa iba, pero para sa akin noon, sobrang laki na ng bagay na iyon lalo na sa panahong pakiramdam ko, mas marami ang gustong pumuna kaysa gumabay.
You know what guys, hindi mo kailangan ng maraming taong naniniwala sa iyo. May mga pagkakataong sapat na ang isang taong magbibigay sa iyo ng pagkakataon. Hindi ko alam kung naaalala pa ni Tatay Rey ang pangyayaring iyon, pero ako, hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin.
At sa paglipas ng panahon, nabuo ang Cunicultura MNL.
Naniniwala ako na puwede kang magturo at mag-correct nang hindi minamaliit ang isang beginner/starter. Dahil bago tayo naging experienced sa isang bagay, minsan din tayong nangapa. Lahat tayo may unang alaga, unang tanong, at mga pagkakamaling naging parte ng pagkatuto natin.
Sa mga nagtiwala at sumuporta sa Cunicultura MNL, maraming salamat. Hindi ko makakalimutan ang mga unang sumuporta at naging bahagi ng journey na ito.
At sayo Tatay Rey maraming-maraming salamat po. Siguro simpleng pagtulong lang iyon para sa inyo, pero hindi ninyo alam kung gaano kalaki ang naging epekto nito sa akin. Isa kayo sa mga taong hindi ko makakalimutang naging bahagi ng simula ko.