17/09/2026
B-Galing! B-dabest! BMEG pa rin! Kaya mga suki bili n kau sa mga Feeds dealers malapit sa inyung lugar!,✨💪
“𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐞𝐞𝐝𝐬?”❓
Madalas namin marinig: “Anong brand gamit niyo?”
Sa Cedie’s Farm, gumamit na din kami ng iba't ibang feeds.
Bawat isa ay may kanya-kanyang formulation, quality, at benefits. Depende rin sa stage ng baboy at sa feeding program kung ano ang mas babagay.
Kaya kapag nagpapalit ng feeds, hindi ibig sabihin na ay “pangit”na ang nakaraang ginamit. Mas importante na tingnan kung:
🐷 kinakain ba nang maayos?
🐷 maganda ba ang growth?
🐷 okay ba ang body condition?
🐷 consistent ba ang performance?
🐷 pasok ba sa budget ng farm?
At siyempre, business pa rin ang pag-aalaga ng baboy. Hindi lang tayo naghahanap ng quality, gusto rin nating kumita at maging sustainable ang negosyo.
Kaya minsan, pinipili natin yung feeds na quality, accessible sa atin, at may mga advantages o support na makakatulong sa ating operasyon. Dahil bawat gastos sa farm, kailangan din nating isipin kung paano ito makakatulong para mapalago at maiangat ang negosyo.
Hindi naman kailangan na pinakamahal at pinakakilala ang brand ng feeds para masabing maganda. Ang mahalaga ay bagay sa baboy, bagay sa management natin, at makatuwiran sa computation ng negosyo.
Dahil kahit gaano kaganda ang feeds, kung hindi naman tama ang feeding management, hindi rin natin makukuha ang potential nito.
𝐅𝐞𝐞𝐝𝐬 𝐢𝐬 𝐨𝐧𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐞𝐪𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. Kasama rin ang genetics, housing, sanitation, health program, at araw-araw na management.
Kaya sa mga nagtatanong kung bakit ibamg brand naman ang gamit namin ngayon, nag-a-adjust lang din kami base sa pangangailangan ng farm, performance ng mga alaga, at kung ano ang makakatulong sa negosyo namin. 🐷❤️
Sa huli, bawat hog raiser may sariling experience, budget, at feeding program. Hanapin natin kung ano ang sustainable at gumagana para sa sarili nating farm. 💯🐷
Happy Farming mga bossing!!