02/11/2026
Ang food security ay hindi lamang responsibilidad ng malalaking producers, nagsisimula rin ito sa ating mga lokal na poultry farmers. 🐔
Sa bawat malusog na sisiw na inaalagaan, sariwang itlog na napo-produce, at dekalidad na poultry produkto na naihahatid sa komunidad, may pamilyang napapakain at may kabuhayang napapalago.
Ngunit ang sustainable na poultry farming ay hindi lamang tungkol sa dami ng ating alaga. Kailangan itong itayo sa:
✅ Tamang kaalaman
✅ Maayos na genetics
✅ Responsableng pamamahala
✅ Malinis at dekalidad na produkto
✅ Tiwala ng mga mamimili
Bilang paalala ni Dr. Erwin, kapag ang mga magsasaka ay nagpo-produce para sa sarili nilang komunidad, parehong nakikinabang ang poultry farmer at ang mamimili.
Produce local. Consume local. Suportahan ang mga Pilipinong poultry farmers.