05/06/2025
Ngayon ay nasasabik kaming ipahayag ang Paid Fostering. Ito ang aming solution na maayos ang overcrowding sa shelter, at para rin maka-rescue ng maraming dogs na kailangan ng tulong. Ngayon may 30 a*o sa aming waiting list na kailangan i-rescue, ngunit ito ay hindi possible dahil kulang kami ng espasyo.
Paano gumagana ang Paid Fostering? Ito ay napaka-simple. Ang isang lokal na residente dito sa ating lungsod ay maaaring mag-alaga ng isang malusog at fully rehabilitated na a*o, at makatanggap ng subsidiya na P2,000 bawat buwan mula sa isang sponsor sa isang malayong lokasyon. Dapat magpadala si foster ng mga update sa sponsor na may mga picture o video tungkol sa a*o. Kung ang a*o ay nangangailangan ng pangangalaga sa beterinaryo, ang shelter ang hahawak neto.
FOSTERING
Ang a*o ay mananatiling pag-aari ng Happy Animals Club (HAC)
Kami ang pipili ng a*o (no puppies)
Dapat mag padala ng mga updates ang foster kay sponsor
Fostering ay hanggang 3 months
May tutulong sa pagkain at kami bahala sa veterinary bills
ADOPTIONS
Ang adopter ang magiging bagong may-ari
Ang adopter ay makakapili ng a*o (pwede puppy)
Hindi na kailangan magpadala ng updates
Ang a*o ay titira sa adopter magpakailanman
Ang adopter ang responsable sa pagkain and vet care.
Iniimbitahan namin ang Sponsors at Fosterers na makipag-ugnayan. Pakiusap magpadala ng mensahe sa HAC Adoptions Center kung interesado kayo maging sponsor o foster. Paalala na ang sponsorship payment ay ipapadala direkta sa fosterer, at kung nagsimula na ang Paid Fostering, ang HAC ay hindi na sasali.