19/01/2025
Magyaring ipaalam na bilang isang shelter kami ay hindi na mag-rerescue ng mga tuta o mga kuting.
Ang pangunahing dahilan ay ang mga tuta at kuting ay kayang i-rescue ng kahit sino. Ang aming rescue team ay dalubhasa lamang sa mga mahihirap na kaso na hindi kayang harapin ng ordinaryong tao.
Ang bilang ng mga tuta at kuting na inabandona sa araw-araw ay napaka taas. Kung tutulungan namin ang bawat grupo ng mga pusa at tuta na inulat sa amin, iyon lang ang lahat na gagawin ng aming rescue team.
Kapag ito ay na-rescue, ang mga tuta at kuting ay kailangan ipaampon, ngunit ito ay napakahirap hanapan na mga mag-aampon dahil marami din kaming hayop na kailangan din ipaampon. Samantala, isang residente na nagrescue ng tuta o kuting ay kayang maglaan ng kanilang oras sa pag-post sa mga Facebook group at paghahanap ng mga magaampon.
Pangatlo, ang shelter ay masikip at punong-puno. Madaming viruses na lumulutang sa loob ng shelter at ang mortality rate lalo na sa kuting ay mataas. Ang shelter ay hindi ligtas na lugar para sa mga kuting at tuta.
Kami ay nag-rerescue ng kuting at tuta kung sila ay nasa bingit na ng kamatayan at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Gayunpaman, sa mga inabandona na kuting at tuta, ang aming tungkulin ay limitado sa pag-share lamang namin sa inyong mga post tungkol sa mga tuta o kuting na narescue na o kailangang pang i-rescue.
* * * * *
Please be informed that as a shelter we no longer rescue puppies or kittens.
The main reason is that puppies and kittens can be rescued by anyone. Our rescue team specializes in difficult cases which ordinary citizens cannot easily tackle. Our time and resources need to be reserved for those.
The number of puppies and kittens abandoned on a daily basis is very high. If we were to cater to each abandoned litter reported to us, that is all our rescue team would be doing.
Once rescued, puppies and kittens need to be adopted, but it is difficult for the shelter to find adopters because we have so many animals we need to get adopted. Meanwhile a citizen who rescued puppies or kittens can dedicate their time to posting on Facebook groups and finding adopters.
Third, the shelter is cramped and overcrowded. We have viruses floating around our shelter and the mortality rate of kittens especially is high. The shelter is not a safe space for kittens, and puppies.
We do rescue puppies and kittens if they are on the verge of death and in need of urgent medical attention. However, for abandoned kittens and puppies, our role is limited to sharing your posts about the puppies or kittens that have been rescued or need rescuing.