01/11/2026
HUSTISYA PARA SA MGA ASO AT PUSA! 🐶🐱
HINDI SILA BASURA. HINDI SILA BASTA MGA HAYOP LANG. SILA AY PAMILYA.
Isipin ang sakit ng mawalan ng minamahal na alaga, at sa halip na makamit ang maayos at marangal na pamamaalam, malalaman mong posibleng hindi wastong nahawakan ang kanilang mga labi at maaaring hindi sa kanila ang mga abong ibinalik sa iyo.
Ang mga pangyayaring iniulat sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan, na kinasasangkutan ng isang pet crematorium service ay nangangailangan ng masusing imbestigasyon at malinaw na pananagutan.
Hindi sapat ang mga paliwanag kung may mga pamilyang nasaktan at mga katanungang hindi pa nasasagot. Karapatan ng bawat pet owner na malaman ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang kanilang mga minamahal na alaga.
📢 NANANAWAGAN TAYO NG:
⚖️ Masusing imbestigasyon
⚖️ Pananagutan alinsunod sa batas
⚖️ Katotohanan at malinaw na kasagutan para sa mga pamilyang naapektuhan
Sa mga pamilyang nagdadalamhati, kasama ninyo kami sa panawagan para sa katotohanan, dignidad, at katarungan.
Dahil ang pagmamahal sa ating mga alaga ay hindi nagtatapos sa kanilang pagpanaw. Deserve nila ang isang marangal na pamamaalam. 🕊️🐾
JUSTICE FOR THE VOICELESS. JUSTICE FOR OUR BELOVED PETS! 🐾⚖️