05/26/2025
Iba ang MADAMOT sa may alam sa KAHALAGAHAN ng PAG-IIPON.
Karamihan sa ating mga pinoy kadalasan walang ipon dahil na rin sa mga ka pamilya at kamag-anak na hingi doon at hingi dito. At Kapag hindi mo napag-bigyan ikaw pa ang madamot.
Una bawat pilipino may dahilan kung bakit kailangan nila mag OFW. Una, Oo para sa pamilya pero hanggang kailan nga ba tlaga dapat umasa ang buong angkan sa isang OFW??
Ito ang isa sa dahilan kung bakit kadalasan walang ipon ang isang OFW. Dahil lahat na lamang ng pangangailangan ng pamilya ini-ASA na lahat sa OFW.
Hindi masama minsan TUMANGGI hindi ito nangangahulugan na ikaw ay Madamot. Ang pag-TANGGI lalo na sa panay naka-Lahad ang palad ay para MATURUAN sila na mag-BANAT din naman ng BUTO. Kung palagi mo sila tutulungan PAANO sila MATUTUTO??
MATUTONG mag-IPON. Alalahanin HINDI ROBOT ang ating PANGANGATAWAN. Para kung dumating ang PANAHON na HINDI na KAYA ng IYONG KATAWAN ang WALANG KAPAGURAN na TRABAHO. May MADUDUKOT tayo kahit paano para maka-SURVIVE ng walang aalalahanin. Dahil
sa TOTOO TAYO Kapag wala ka ng SILBI HINDI kana KIKILALANIN ng mga TAONG panay naka-LAHAD sa iyo.
LEGIT yan kahit kadugo mo pa pag papa-Sahan ka na kung sino ang mag-AALAGA lalo na kung ang mga ito HINDI ang ALAM ang TUNAY nang HIRAP ng isang OFW.
Isang PAALALA lamang ito para sa KATOTOHANAN. Na I share ko lamang ito dahil sa isang KAIBIGAN na halos BUONG BUHAY nya INILAAN ang PAG-TULONG para sa PAMILYA at KAMAG-ANAK ngaun siya ay may SAKIT kung KANI-KANINO siya PINAG-PAPASAHAN para MAALAGAAN. Pero imbes na maalagaan siya kung anong masasakit na salita ang kanyang naririnig. NAKAKALUNGKOT lamang nabigyan nya ng sariling bahay at lupa ang kanyang mga kapatid. Maging Ang kanyang ilang pinsan. Mismo pati bahay niya na kanyang magulang nakatira pero kung TRATUHIN siya parang wala siyang karapatan na tumira roon, ni hindi nga nya nakuha magkaroon ng sariling pamilya dahil sa pagmamahal nya para sa magulang, kapatid at kamag-anak ngunit ito lamang ang kanyang napala pagkatapos ng ilang dekada.
Lesson learned: HUWAG ibigay ang 💯 na pagtulong maigi na ang mag IPON at matutong TUMANGGI. Kesa ikaw ang maging KAWAWA sa HULI.