Shihtzu ni Bern

  • Home
  • Shihtzu ni Bern
Directions

Shihtzu ni Bern Selling purebreed shih-tzu puppies since 2013.

🩺 Is Your Dog's Health in Check? 🐕Keep an eye on your dog's well-being by understanding what their stool color might be ...
24/10/2024

🩺 Is Your Dog's Health in Check? 🐕
Keep an eye on your dog's well-being by understanding what their stool color might be telling you. From healthy light brown to potential warning signs like red-brown or yellowish tones, this guide helps you monitor your dog's health through simple observations.

07/01/2024

We're back!!!
Kamusta kayo?
🐾🐾

12/05/2021

Parelax relax lang 🐶🐾

04/05/2021

Hello dog lovers ❤
Let me just share this to y'all.

Napapansin ko lang sa mga looking for Shihtzu. Ang baba ng price na hanap nyo. 2,000? 3,000? 4,000?

Bihira or baka nga HINDI po kayo makahanap ng magandang Quality ng Shihtzu kung ganyan ang budget nyo. (No offense sa Buyer and Seller)

Let me explain.

✔ Sa pagpapa mate/stud/asawa sa babaeng Shihtzu gagastos po kayo ng 1.k to 2k kung yung mga black nose or yung standard na shihtzu.
Kung Livernose naman 4.5k to 5.5k depende pa sa markings eklavu yan.😅

✔Kung malayo sayo ung napili mong stud, gagastos ka ng gas or pamasahe.

✔Food ng female shihtzu. Yung diet nila. Kasi preggy n yan. Aalagaan mo yan sa quality food at vitamins na pang preggy shihtzu para maging healthy ang mommy and puppies. Para hindi sila sakitin at para hnd sila magkaroon ng deperensya at para buhay lahat ng puppies.
(In our case, nutripet ang vitamins and that's almost 600 po. And hnd lng 1tube ang mauubos mo yan hanggang sa manganak si mommy dog)

✔Habang preggy si mommy dog. Dapat comfortble sya. Bibilhin mo ng dog bed yan (kung wala pa). Ang hirap kaya humiga sa matigas tas ang laki na ng tyan ng mommy dog. Para hnd rin mastress, nakakacause pa naman ng miscarriege un. Same with us human/woman. Dapat iniingatan ang preggy mommy dog.

✔Pag nanganak na si mommy. Magreready ka ng mga supplies. Gloves, thermometer, betadine, alcohol, etc. At ready rin ang vet nyo. In case mahirapan si mommy dog at need macesarian.

Yung puyat at pagod mo sa pag babantay habang nanganganak. Minsan abutin yan 1hr bago lumabas ung susunod napuppy. Imagine mo nlng, madaling araw nanganak tapos may pa*ok ka pa..hahaha zombie mode ka 😂

✔Pag nakapanganak na, aalagaan mo pa rin yan. Para di mastress and malosyang si mommy dog. Alaga sa food, vitamins pampagatas, vegestable or fruits para healthy si mommy and puppies. At papavaccine mo yan after manganak para sguradong walang naiwan na khit ano sa tyan nya para safe sya.

✔Mapupuyat ka sa pag babantay sa pagpapadede dahil merong puppies talaga na mahina dumide at laging nauunahan ng mga kaptid 😂Sympre gusto natin lahat ng puppies ay nakakakadede ng sapat.

✔Kung marami ang puppies, need mo mag bottle feed ng Puppy Milk. Hnd pwd ang bsta bsta milk jan. Dahil may mga puppies na lactose intolerant, magcause ng diarhea sa puppy yan. Baka madehydrate at mamatay diba? Ang 1 sachet/pack ng puppy love milk ay P280. Di aabot ng 2 weeks yan.. Halos 10 days lng yata samin. Mapupuyat ka dhil every 2hrs yan dede. Syempre ayaw mong magutuman yan. Baka maging payatot. (Diba para ka ding nanganak dito)

✔Syempre vitamins pa ng puppies. Pra iwas sakit. Aalagan mo nag maiigi para di sipunin or kapitan ng kahit anong sakit. Ayaw nating mag benta ng may sakit ng puppy. Hassle at kawawa ung buyer. Ilagay mo n lng sarili mo sa sitwasyon nya diba. Gusto mo ba bumili ng may sakit na puppy????

✔Araw gabi maglilinis ka ng kulungan at bahay nyo. Para walang virus or bacteria na pwdeng kumapit sa mga puppies lalo at wala pa silang bakuna. Samin, ang panlinis namin sa floor ay Mr. Muscle ung scented. Hnd bsta bsta sabon lng. Nakakatakot makapitang ng Parvo diba lalo at puppies, madali mag hawaan yan.

Isa sa pinakamahirap ay ung may bisit kau..tas gusto hawakan ung puppies hahaha. Di mo alam pano ka bubuwelo ma sabihin na "Sorry sis di pa pwd. Kasi wala pavaccine. Galing ka kasi sa labas baka may nadaanan, naapakan or nahawan kang virus" haahhaha. Kaya laging may alcohol sa ibabaw ng kulungan..at bawal ang bisita. Di talaga ko mapakali pagmay humahawak sakanila di family members" 😂😂😂 sorry na agad.

✔At dahil di pa sila pwd maligo. Wipes wipes muna pag dumudumi. Dahil my time na di na kinakaen ng mommy dog ang p**p nila.
Ayaw natin ng madungis na puppies 😂

✔ Idedeworm mo yan.. Ipapavacine mo.
Magkano ang dewormer 150.
Ang 5-1 vaccine P350 - 450

❗Mag ingat po. Yung iba, hnd vet or licensed vet ang nagbabakuna. Ung mga owner lang tas pinipeke ung pirma at licensed number.
Hnd po safe ito. Pwdeng maparalized ung mga paa nila. May gantong case na kming naencounter noon sa clinic. Naloko sila ng seller.. Mismong vet ung nagsabi na peke ung license #. Hnd daw ganun ang license. Na- overheaed ko lng un. Dahil pinavaccine namin ung puppies ko.

Sobrang effort po ang pag aalaga ng quality dogs. Hnd po basta basta yan. Mag lalaan ka ng oras talaga para sa kanila. Makikipag laro ka. Mamahalin mo yan. Mag iinvest ka ng pera, time at emotions/feelings haha. Minsa ung iba tuturuan pa ng tricks, samin tinuturuan namin pano umuwi sa kulungan. Pagtapos kumaen, mag p**p at laro ipapa*ok na nmin sa cage nila. Sasabihin namin "UWI" UWI" UWI". (Tagalog po samin ahahaha)

Tapos magtatakbuhan na yan..... palayo hahaha. Mga pasaway.. alam kasi nila balik na sila sa kulungan 😅😂😂

Pero meron ding nagkukusa umuwi.

Sa makakabili ng puppies ko,
Icontinue nyo ung ganun. Para alam nila pag uuwi na sa kulungan ❤😍😄😁

LAST BUT NOT THE LEAST, Ang PUREBREED and GOOD Quality na Shihtzu or any Breed ng dogs ay hnd Mura. Kayo rin, baka hnd puro mabili nyo. Baka may lahing aspin or ibang breed. Dami ko nakita nag ooffer ang hahaba ng ilong at hnd na mukhang Shihtzu worth 2.5k to 3k. Sayang pera nyo. Kala nyo nakatipid kayo. May mga nag ppm sa page namin asking kung purebreed daw ba nabili nila. Eh halata namang hnd. 💔

Kung alam nyong mahusay ang pag aalalaga nyo at pagpapalaki sa puppies bago sila mapunta sa bago nilang pamilya. Alam nyong masakit magbenta ng mura dahil maganda ang quality ng puppies nyo.

Wag manloko at iwasang maloko!

Yun lang nashare ko lang. Para may Idea lng po kau. 😁

No hate. Just sharing ❤

DISCLAIMER:
hnd ko po ito sinasabi dahil mahal ang mga puppies ko ha, hnd ako gumawa ng dahilan ora mahal ko mabenta ang puppiesko. Sinasabi ko ito para maintindihan nyo kung anong effort ng namin sa pag aalalaga pra makapagbigay na magandang quality. At para maintindihan nyo rin kung bakit mahal po sila ❤

✔Like us on Facebook Shihtzu ni Bern

16/12/2020

GUIDES FOR RABIES 🐾

Hello po. As a medical professional, I just want to share my knowledge about rabies. Subukan ko po itagalog lahat para maintindihan ng nakararami. Marami na kasi ako nakikita, nababasa or nagtatanong about sa rabies. Hindi lahat pero karamihan o marami narin ako nababasa na nagbibigay ng kanya kanyang opinyon dito na mali. Kung nakagat daw ba sila ano ang gagawin? Kapag nakalmot may rabies ba?

First of all, ang rabies ay hindi innate or inborn. Ibig sabihin hindi lahat ng a*o pagkapanganak ay may rabies. Hindi lahat ng tuta ay may rabies. Hindi rin totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa adult na a*o. Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus). Magkakaroon lang ng rabies ang isang a*o kapag nakagat ito ng rabid na a*o, pusa, racoon, o paniki. Hindi totoo na sa maduming lugar tulad ng basurahan o bulok na pagkain nakukuha ang rabies.

Ang a*o na may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas ng 2 weeks. Kaya namamatay ang a*o na may rabies dahil infected na siya ng virus at umakyat sa utak. Kaya nauulol ang a*o kapag may rabies dahil dito. Walang katotohanan yung kapag namatay ang a*o ay dahil nakakagat siya ng tao at nailipat rabies. Ang a*ong may rabies ay mamamatay at mamamatay kahit makakagat ng tao o hindi. Walang kinalaman ito sa pagkakagat sa tao.

Ano ang dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng a*o? May rabies din ba ang kalmot? Pwede ba bawang sa rabies?
Alamin natin history ng a*o natin. Kapag alaga natin ang a*o at sa bahay lang at hindi a*ong gala, at nakagat o nakalmot dahil sa harutan, most likely wala itong rabies. Tulad ng sinabi ko hindi inborn ang rabies sa a*o at pag may rabies. Ang una dapat gawin ay hugasan at sabunin ang area ng nakagat para maiwasan ang infection. Infection o mikrobyo na maaring puma*ok sa sugat at hindi yung rabies. Kaya usually nagbibigay tayo ng vaccine na anti-tetanus. Yes may rabies din ang kalmot kapag may rabies ang a*o o pusa. Kaya may rabies ang kalmot hindi ito dahil sa kuko, dahil ito kapag dinidilaan ng a*o o pusa ang mga kamay niya. Hindi po macure ng bawang ang rabies. Walang katotohanan ito. Sa buni o an-an baka pwede pa haha.

Kailangan paba magpaturok ng para sa rabies pag nakagat o nakalmot a*o?

Itong sagot na ito ay fact or katotohanan lamang. Kapag ang a*o mo ay alaga mo, kilala mo magulang a*o at san galing, nasa bahay lang, hindi nakagat ng ibang a*o o pusa sa labas, lalo na kung may rabies vaccine, ang sagot ay HINDI na. Most likely walang rabies ang a*o mo. Ang kailangan lang ay anti-tetanus vaccine para iwas infection dahil sa sugat. Kapag Dr sa hayop o vet ang tatanungin at nakita o nasuri na healthy naman ang alagang a*o hindi narin niya ito irerequire. Pero walang masama kung duda ka at wala ka masyado alam sa rabies virus at gusto mo ng peace of mind. Natural lang na kapag pumunta ka saming mga doctor, ay isuggest na paturok first dose then observe a*o. Pag di namatay a*o no need to continue. Pero may mga doctor din na magtatanong about sa a*o kung alaga ba or paano nakagat, kung nauulol ba yung a*o at nangagat or nakagat dahil sa harutan. Yung iba anti-tetanus vaccine nalang. Pag nag insist yung patient wala naman problema kung gusto niya magpaturok para sa rabies. Kapag a*ong gala naman ang nakakagat sayo or sa labas ng bahay ka nakagat at hindi mo a*o, this is the time na dapat ka mag paturok para sa rabies and anti tetanus. Pag namatay a*o, kailangan kumpletuhin shots. Kailangan din madala yung a*o sa RITM. Pinuputol ang ulo nito at sinusuri ng mga specialista for confirmatory.

Inuulit ko po. Ang mga nabangit ko ay fact o katotohanan at base sa napagaralan at kaalaman ko. Nasa sainyo parin ang desisyon. Maraming salamat!

ctto

Address


Opening Hours

Monday 10:00 - 21:00
Tuesday 10:00 - 21:00
Wednesday 10:00 - 21:00
Thursday 10:00 - 21:00
Friday 10:00 - 21:00
Saturday 10:00 - 21:00
Sunday 10:00 - 21:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Shihtzu ni Bern posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed pet store/pet service?

Share