11/06/2025
Hirap po kami magpa adopt ng mga rescues, madalas natatabunan kami ng mga may breed. Tapos kung may adopter man na interested, i-gghost kami sa huli. Biglang hindi raw pala gusto ng family, kahit na settled na sana lahat. Nakaka dismaya po. Nasasayang lahat ng oras at paglakataon. Inuulit ko naman po, na hindi kami shelter, at minamaximize lang namin resources namin. Dadalawa lang po kami ng volunteer na nag-sasalitan sa mga rescues. Kaya mahalaga po bawat oras sa amin. May life rin po kami outside rescuing.
Hindi kami makakatanggap ng panibagong rescue kapag hindi pa adopted ang iba. Mostly po own money na namin ang ginagastos for their food and other things. Kaya laking panghihinayang on our part po kapag may mga biglaang mag-bback out. Lalo na kapag ilang beses kaming nagtanong kung sigurado na ba talaga sila. Hindi po namin kayang mag-accommodate ng maraming rescue.