20/08/2026
isa sa hinahangaan namin pagdating sa grooming! Big Hugs💚
Nakikiisa po ang The Pet Room sa pagpapatupad ng striktong protocol sa pagtanggap ng mga pets na igru-groom.
Basahin nyo po ang post nila. Napakaganda po ng explanation nila kung bakit nagiging strikto ang isang grooming facility.
Kagaya po nila, kami po sa The Pet Room ay nais mapanatili na ligtas ang bawat furbaby na dinadala nyo sa amin.
Pasensya na po sa mga natatanggihan lalo kung walang maipakita na proof ng updated na bakuna, may fungal infections, galis, garapata and fleas, or any contagious skin condition.
Sa mga ganyan pong pgkakataon ay hindi po maaring magroom ang inyong alaga sa aming pasilidad at irerefer po muna nmin kayo sa aming veterinary clinic upang mabigyan ng mas karapat dapat na atensyon at lunas ang kalagayan ng inyong pet.
Maraming salamat po sa pang unawa sa ganitong mga pagkakataon.
Let’s promote a safe grooming facility for our beloved furbabies🐶🐱.
📌
Isa sa mga dahilan kung bakit naging maselan kami sa grooming ay dahil ayaw naming maranasan ninyo ang naranasan namin.
Galing din po kami sa commercialized grooming setup, kaya alam namin kung gaano kahalaga ang proper assessment, sanitation, at pag-iingat sa bawat furbaby.
Hindi po namin kayang maging dahilan kung bakit magkakaroon ng problema ang ibang furbaby—lalo na kung may garapata, galis, fungal infection, o ibang contagious skin condition.
Simple lang po ang tanong namin: Gusto niyo po bang ang furbaby na nauna sa inyo ay may condition na maaaring makahawa sa inyong furbaby, na itinuturing na nating pamilya?
Kaya kung minsan kailangan naming tumanggi, hindi po ito pagiging maarte. It is our way of protecting every furbaby we groom.
Habang patuloy kaming natututo, mas lalo rin naming pinipiling mag-educate, mag-ingat, at maging responsable.
We may be strict, but there is always a reason behind it. Your furbaby’s safety will always come first.
Ctto