22/09/2025
Sa amin pong mga kliyente, ipinapabatid po namin ang aming pamamaalam sa Fides Veterinary Clinic - Dagatan Branch. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong pagsuporta sa maigsing panahon ng ating pagsasama.
Ang amin naman pong Veterinary Clinic sa Poblacion, Lobo, Batangas ay nananatiling bukas, mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Maaari rin po kayong magtungo sa Hills Pet Station, Pacita Building, Arce Road 2, Kumintang Ibaba , Batangas City.
Nawa’y patuloy tayong maging mapagmalasakit sa ating bansa, kapwa, at mga alagang hayop.