18/08/2026
Isa sa mga sakit na maaring makuha ng ating mga alaga ngayong panahon ng tag-ulan at pagbabaha ay ang LEPTOSPIROSIS.
Ang leptospirosis ay isang seryosong sakit na dulot ng bakterya na Leptospira. Nakukuha ito ng mga a*o o pusa mula sa maruming tubig, baha o lupa na may ihi ng mga daga o iba pang hayop. Maaari itong sumira ng bato at atay ng hayop at nakakahawa rin sa tao (zoonotic).
MGA SINTOMAS NG SAKIT
🔺️ Lagnat at panghihina
🔺️ Nawawalan ng gana kumain
🔺️ Pagsusuka at pagtatae
🔺️ Paniinilaw ng mata at balat (jaundice)
🔺️ Sakit sa kalamnan at kasukasuan
🔺️ Madalas o hirap sa pag-ihi
PAGGAMOT AT PAG-IWAS
✅️ Dalhin agad sa beterinaryo para sa agarang diagnosis at kumpirmasyon ng sakit at gamutan dito
✅️ Iwasang palusungin o pag-inumin ang mga alaga sa baha o stagnant na tubig
✅️ Magsuot ng globes kapag hahawakan ang may sakit na alagang a*o o pusa para hindi mahawa
✅️ Pabakunahan ang mga alagang a*o laban sa leptospirosis taon-taon
Para sa mga katanungan at paglilinaw, maaaring magsumite ng mensahe sa aming FB page.
-dr g