11/05/2026
Kalinisan at Serbisyo para sa Komunidad
Kasabay ng ating regular Flag Raising Ceremony ngayong araw ay isinagawa rin natin ang pamamahagi ng mga trash bins para sa 15 supervisors ng ating Kalikasan Department na araw-araw na nagsasagawa ng clean-up drive sa ibaโt ibang bahagi ng Barangay Western Bicutan.
Ang simpleng hakbang na ito ay bahagi ng patuloy nating pagsuporta sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at mas maayos na kapaligiran para sa ating mga kabarangay.
Maraming salamat sa lahat ng ating mga kawani ng Barangay at sa Kalikasan Department Personnel sa kanilang araw-araw na dedikasyon at malasakit sa ating komunidad.