
03/10/2024
CALAMBA TO BICOL IN 2 HOURS, MALAPIT NA!
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng Calamba-Legazpi route ng Philippine National Railways (PNR), patuloy ang Engineering Team nito sa pagsasagawa ng 'rehabilitation at strengthening' ng mga embankment, riles, at tulay partikular na sa South Line.
Kabilang dito ang isinagawang installation ng mga synthetic bridge ties sa Palicpic Ayungin Bridge, sa pagitan ng College flagstop at San Pablo Station.
Layon ng PNR na muling maibalik ang biyaheng Calamba-Legazpi na magkokonekta sa mga probinsya ng Laguna, Quezon, at Bicol para sa mas mabilis, ligtas, at komportableng biyahe ng publiko.
Ctto: