23/02/2026
Hi Dakki. Baka ngayon marunong ka na magbasa. Hinding hindi ko malilimutan ang daily routine natin for 4 years, lalo ang pag inom mo ng gamot para lumakas at gumaling ka from your heart disease. Ikaw ang dahilan kung bakit ko iniwan ang corporate job ko. Para mabantayan kita 24/7 at mabigyan ng tamang medications na hindi matatagtag ang katawan mo sa gamot. Ginawa namin ni mommy Nikki na every 1 hour instead na every 30 minutes noon dahil magmamadali pa kaming papasok sa work ng madaling araw. At yun nga, mas nadagdagan pa nga ang gamit mo nun. Pero sobrang sulit ng time na binigay ko sayo. Maganda man ang career ko noon, pero mas mahalaga na mabantayan kita.
Ang pagdating ni Anika I'm sure ikaw din ang nagsabi kay God na ibigay siya sa amin, dahil alam mo na hindi mo kami pwede bantayan ng mas matagal. Salamat Dakki. Pinaabot mo pa hanggang mag 1 year old si baby, saka ka nagpaalam. Promise, pagbubutihin namin ang pagpapalaki at pag-aalaga kay Anika, gaya ng pag aalaga namin sa'yo.
Kagabi, pinagpahinga mo lang siguro ako ng mahaba haba kaya nakatulog ako ng dire-diretso. Pero nagising din ako ng 4:30am. Late na pala para sa gamot mo at pag prepare ng food mo π
Huling schedule ng mga gamot mo to Dakki. Medyo nabawasan na yun gamot mo ngayon, kaya mas kayang kaya na san kita painumin kasabay ng pag aalaga ko kay Anika.
4am Pimobendan
5am Furosemide
5am Eat
6am Enalapril
7am Nefrotec
9am Eat
10am Papi Bion
11am Ketoanalogue
12pm Papi Livwell
1pm Eat
4pm Pimobendan
5pm Furosemide
6pm Enalapril
8:30pm Liv52 syrup
9pm Eat
10pm Papi Bion
11pm Singen Cardiexcel
12am Florentero
MARAMING MARAMING SALAMAT BABY DAKKI! HINDING HINDI KITA MALILIMUTAN