24/09/2026
Bago ako lumabas, masuyo mo pang dinidilaan ang dalawang beybi mo habang dumedede sa’yo. Pagbalik ko, Wala Ka nang Buhay mamax ko—
Napakasakit makita ang mga anak mong pilit pa ring sumusiksik sa nanlalamig mong dibdib, uhaw na uhaw sa gatas at kalingang hindi na muling maibabalik.
Bumagsak ako sa tabi mo, nanginginig, niyayakap ang walang buhay mong katawan habang basang-basa ng luha ang balahibo mo. Patawarin mo si Mama kung wala ako para ipagtanggol ka sa kalupitan ng mundo.
Durog na durog ang puso ko, anak… pero ipinapangako ko sa’yo, habang may hininga ako, bubuhayin at mamahalin ko ang dalawang mumunting naiwan mo. Pahinga ka na, mahal na mahal ka ni Mama.
Sobrang mahal n mahal kita mamax ko grabe durog n durog puso ko ngaun
Ito pinakapaborito ko picture kasama mga ate mo anak ko
Nak bumalik k please