11/09/2025
Let us help our city be rabies free🫶
Bilang bahagi ng patuloy na programa ng City Veterinary Office at kaugnay ng pagdiriwang ng World Rabies Day, ang kanilang tanggapan ay nagsasagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang a*o at pusa.
Ang pagbabakuna ay idinaraos tuwing Miyerkules at Biyernes, mula 1:00 PM hanggang 3:00 PM, sa City Veterinary Office, Basement Level, San Pedro City Hall. Para naman sa schedule bawat barangay, antabayanan ang mga susunod na anunsyo sa aming official FB page o makipag-ugnayan sa City Veterinary Office.
Layunin ng programang ito na matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga alaga at maprotektahan ang komunidad laban sa rabies.