21/08/2025
THANK YOU LORD OUR GOD🙏🙏🙏
LONG STORY NG PAGBALIK NI CHICHAY FROM LOST TO FOUND🙏🙏🙏
Sa mga hindi po nakakaalam at bago lang sa page po namin, CHICHAY IS A RESCUED DOG ng team Floppy Flups Adventure since March 2025 with TVT (cancer tumor sa private part), neglected dog po si chay and sometimes para na rin stray dog dahil naging laman na din po sya ng kalye. Kaya hindi ko po akalain na sa pagiging street dog nya e TAKOT PO PALA SYA SA PAPUTOK, kaya nagulat po ako kahapon nung biglang may nagpaputok ng kwitis inside the villa at kasalukuyan ko silang pinapawiwi sa labas at bigla nalang syang nagtatatakbo, hanggang sa nakita ko syang lumiko sa street namin at nag STOP sa tapat ng gate namin kaso sarado dahil nandon sila floppy, casper at milo, pero may sumunod ulet na paputok kaya tumakbo sya ulet palayo, mga 2-3mins lang pagitan namin nung masundan ko sya, at buti nalang may nakakita kung saan sya tumakbo at jan na nga yun sa likod ng villa which is bukid na (nasa video po)...Nagpasama po ako sa isang residente ng bukid named michael dahil nakita nya kung saan tumakbo at at hinabol ng mga dogs si chichay.. From 6pm to 740pm binabaybay namin ang kreek kung saan kita ko ang lawak ng bukid at at ng ilog habang sinisigaw ang name ni chay, kaso walang chay na lumalabas😭, panay dasal ako habang umiiyak na ng LORD PLEASE TULUNGAN MO PO AKO MAHANAP SI CHAY, HINDI PO LINGID SA INYO ANG PINAGDAANAN NG BATUTANG ITO🙏, Bumalik ako ng bahay dahil may gamot si casper at milo na hindi pwede mag lapse ng 8pm, sakto dumating na si dady from work kaya sya naman ang naghanap hanggang almost 10pm pero wala syang chay din na nakita. Nung nakita kong nagsidatingan ang mga kuya-kuyahan nya agad ko sila pinuntahan para lang magkaron ng idea about chay, dahil kung naalala nyo po may voice record posted po ako dito kung saan triny nila iligaw si chay jan sa bukid pero nakakabalik sya, from that umasa ako na makakabalik ang chichay sa amin🙏. Kaya agad ko kinuha si floppy sa bahay para pumunta ulet ng bukid para hanapin ang chay gamit ang flash light dahil sobrang dilim po talaga ngunit walang chay na nagpakita samin, pero si floppy parang nagpapakita sya sakin ng sign na wag muna kami bumalik kasi nasesense na po nya siguro ang chay na pabalik na, pero dahil 10:30pm na po yun binuhat ko na sya para umuwi na kami. Nung nasa street na namin kami ayaw maglakad ni floppy laging nalingon sa likod nya kaya sabi ko babalik tayo mamaya... Pagpasok namin ng bahay ilang MINUTES lang ayan na CHAY SA GATE NAMIN KASAMA ANG KUYA-KUYAHAN NYA na saktong bumibili sa tindahan at nakita nya ang chay papasok ng villa galing sa bukid... Ang nakakalungkot at nakakaawa lang nung makita namin si chay na PARANG LUTANG. HINDI NYA ALAM NA DITO NA SYA SA AMIN NAKATIRA, PARANG HINDI NYA MAALALA NA KAMI NA ANG PAMILYA NYA😭, binuhat pa sya ni dady papasok ng gate namin at agad dinala sa banyo para mapaliguan dahil puno ang katawan nya ng poops ng kalabaw at baka. After nya maligo makikita mo sa reaction nya na parang kinikilala nya kami, kahit nung matutulog na sya ang lalim ng iniisip nya. na realized ko GRABE PALA TALAGA YUNG TRAUMA NA PINAGDAANAN NYA kasi baka inisip nya NILIGAW NA NAMAN SYA😭
Sa mga nagdasal, nag bigay ng simpatya at pati narin sa mga ng husga sa akin bilang furmom dahil pabaya daw ako MARAMING SALAMAT PO🙏, ISA LANG PO ANG MASASABI KO KUNG SA TINGIN NINYO PABAYA AKONG FURMOM SIGURO WALA NG FURMOM NA MATINO SA MUNDO.