
07/08/2025
Pet owners of San Mateo. Sa darating na BIyernes, tayo ay magkakaroon ng libreng bakuna para sa ating mga alagang Pusa sa SM SAN MATEO. Kitakits
PABATID | Free Anti-Rabies Vaccination for Cats
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng International Cat Day, magkakaroon ng Free Anti-Rabies Vaccination for Cats sa darating na Biyernes, ika-8 ng Agosto 2025, sa SM City San Mateo, 3rd Flr., mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.
Ito ay sa pagtutulungan ng SM City San Mateo at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, at ng San Mateo Rizal Animal Welfare Office, sa paglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga alagang pusa sa pagpapaturok ng bakuna kontra rabies. Daan ito upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na rabies sa ating komunidad.
Dito sa San Mateo, may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!