18/07/2025
MAY-ARI NG ASONG NAKA-KAGAT NG TAO, MAAARING MAG-MULTA AT MAHARAP SA KASONG SIBIL..
Nakapaloob sa Republic Act 9482 o ang “Anti-Rabies Act of 2007” ang mga responsibilidad ng may-ari ng a*o. Isa na rito ay ang pagtatali sa alagang a*o kung sakaling ito ay dadalhin sa labas at ang kaukulang kaparusahan nito na pagbabayad ng multang liman-daang piso (P500.00) sa bawat insidente.
Kung sakaling maka-kagat naman ang alagang a*o, ang insidente ay kinakailangang mai-report agad ng may-ari ng a*o sa mga otoridad sa loob ng dalawampu’t apat (24) na oras at dalhin ang a*o sa isang government o private veterinarian para ma-obserbahan. Kapag ang may-ari ng a*o ay tumanggi sa gagawing obserbasyon sa kanyang a*o, maaari itong mapatawan ng multang Sampung libong Piso (P10,000.00).
Ayon din sa naturang batas, responsibilidad din ng may-ari ng a*o na sagutin ang pag-papagamot sa taong nakagat ng kanyang a*o. At kung sakaling ito ay hindi masunod, ay may kaukulang multa na nagkakahalagang Dalawampu’t Liman Libong (P25,000.00) Piso.
Lahat ng ito ay malinaw sa Sections 5 at 11 ng nasabing batas:
Sec. 5. Responsibilities of Pet Owner. - All Pet Owners shall be required to:
(a) ###;
(b) ###;
(c) Maintain control over their Dog and not allow it to roam the streets or any Public Place without a leash.
(d) ###;
(e) Within twenty-four (24) hours, report immediately any Dog biting incident to the Concerned Officials for investigation or for any appropriate action and place suchDog under observation by a government or private veterinarian.
(f) Assist the Dog bite victim immediately and shoulder the medical expenses incurred and other incidental expenses relative to the victim’s injuries.
Sec. 11. Penalties. -
(1) ###.
(2) ###.
(3) Pet Owners who refuse to have their Dog put under observation after said Dog has Bitten an individual shall be meted a fine of Ten thousand pesos (P10,000.00).
(4) Pet Owners who refuse to have their Dog put under observation and do not shoulder the medical expenses of the person bitten by their Dog shall be meted a fine of Twenty-five thousand pesos (P25,000.00).
(5) Pet Owners who refuse to put leash on their Dogs when they are brought outside the house shall be meted a fine of Five hundred pesos (P500.00) for each incident.
###.”
Samantala, maaaari din na maharap sa ka*ong sibil ang sinumang nag-aalaga ng a*o kung sakaling ito ay maka-perwisyo ng iba, at kahit pa ito ay nawala o nakawala. Ito ay malinaw sa Article 2183 ng Civil Code of the Philippines na nagsasabing:
“Art. 2183. - The possessor of an animal or whoever may make use of the same is responsible for the damages which it may cause, although it may escape or be lost. This responsibility shall cease only in case the damage should come from force majeure or from the fault of the person who has suffered damage."
Ayon sa nasabing batas, hindi kinakailangan na ikaw ang may-ari ng a*ong naka-perwisyo, para ikaw ay magkaroon ng pananagutan sa biktima. Sapat na na ikaw ang nag-aalaga o nag-iingat nito.
PaI alala, upang makaiwas sa ano pa mang abala at aberya, maging isang responsableng pet owner at huwag hayaang pagala-gala ang iyong a*o sa kalsada at iba pang pampublikong lugar na hindi nakatali. Siguraduhin ding nabigyan ng kaukulang bakuna ang a*o laban sa rabies.....
Kaya ikaw kung alam mo batas na ito d mo sasabihin peneperahan ka😡
Kasi obligation mo yan BILANG ikaw ay pet owner
Fyi!