21/09/2022
🐰😷🐇😷RABBIT MANGE😷🐇😷🐰
****************************************
Disclaimer: Ang mga nasasaad dito ay batay sa aming mga nabasa at karanasan. Karamihan ay obserbasyon mula sa mga Chi Bunnies naming nabiktima nito.
Ito ay upang bigyan lamang kayo ng ideya.
****************************************
❔🐰❔
Ano ang mange?
🐰 Ang Mange ay sakit sa balat ng rabbit na dulot ng mga parasites, kadalasan ng ear mites.
❔🐰❔
Paano matutukoy kung may mange ba?
😷 Pinakamadaling makita ang flakes/ balakubak na kadalasan ay makikita sa batok/ tenga.
😷 Napakaliit na sugat sa balat, na may kasamang pagbabalakubak.
😷 Madalas na pag-flick ng tenga ng bunny.
😷 Madalas na pagkakamot ng bunny lalo sa tenga at batok.
😷 Pagkakalbo (maliit man o malaking parte). Senyales na malala na.
😷 Pagbaho ng bunny na sanhi ng mga sugat na nakuha sa mange. Ito ang may pinakamalalang ka*o.
❔🐰❔
Paano ito nakukuha at paano maiiwasan?
🐱🐶🐔 Tulad sa tao, pwede itong makuha mula sa pagkahawa. Kung may mga a*o, pusa o iba pang hayop sa paligid na carrier ng parasitikong ito, posibleng humawa ito sa mga kuneho.
✔ Kaya mainam na ilayo lagi ang mga may pulgas/ mange na alaga.
🍴🐞🌿 Minsan (hindi lahat), nakukuha rin ito sa supply ng pellets nila. Dahil sa pagka-expose ng supply, di maiwasang may mga ma-attract na insekto habang nasa byahe o maging sa storages ng mga tindahan.
✔ Mainam na i-check ang kanilang pellets bago ito ipakain.
⛺🏡🚮 Posible rin naman na ang paligid ay nakakahikayat ng mga ganitong insekto lalo kung mahina ang sanitasyon sa lugar ng mga kuneho.
✔ Kaya mainam na palagiang linisin ang bunny houses at ang area sa palibot nito, lalo na kung ang dumi at ihi ay hindi nakadiretso sa lupa.
✔ Maaring magbudbod ng DE (Diatomaceous Earth) upang maiwasan ang mga pesteng lamanlupa. Tinutuyo nito ang katawan ng mga insektong didikit sa powder nito.
✔ Maari ring mag-spray ng probiotics sa paligid upang mapuksa ang bad bacteria na nais puntahan ng mga insekto.
❔🐰❔
Ano ang mga pwede gawin?
🐇 Pahiran ng VCO, Virgin Coconut Oil. I-check kung kumalat na ba sa iba pang parte ng katawan.
Kung maliit pa lang, pwede pa po yung VCO version ng Vegetable Cooking Oil...
Palm oil na-try ko, effective naman.
Tiyakin na balat ang malalagyan. Wala yun talab pag fur lang. Kaya yung iba, nagtataka kung bakit lumalala pa rin kahit napahiran na.
Pwede rin idamay sa pahid yung palibot ng affected area para di na kumalat... lalo sa bandang batok (yung part na manipis ang fur) at front and hind paws (pang-groom nila). At sa exposed skin areas tulad ng tenga (loob at labas, ingat lang baka puma*ok sa inner ear) at pisngi. Araw araw yun. Once or twice a day.
Pag halos wala na, ituloy pa rin ang pagpapahid mga 3-5 days para di na bumalik agad.
Note:
> Virgin Coconut Oil is still best to use because it has anti-bacterial and anti-fungal effects.
*Mabibili sa mga drugstore, P180-P200.
*Pwede magdagdag ng dinikdik na dahon ng kakawati (madre de cacao) para sa mas epektibong paggaling.
*Pwede ring ihalo ang dinikdik na dahon ng kakawati sa bote ng VCO para sa doble bisang para,an
*Para sa napakamurang alternatibo, bumili ng niyog at ipakayod. Kunin ang gata. Iluto hanggang sa maging latik. Alisin ang latik at kunin ang naiwang langis. Ang langis na nakuha ay maaaring gamitin na pamahid.
🐇 At, habang ginagamot at hindi pa tuluyang magaling, kailangang ibukod ang affected bunny. Ihiwalay ng cage at kailangang ilayo sa iba pang bunnies / pets. Mainam ding i-check ang iba pa para sa posibleng pagkahawa.
🐇 Mainam ding linisin mabuti ang cages ng lahat ng bunny at ang surrounding area para maiwasan ang paglipat lipat ng mites.
🐇 Kung malala na, pwede rin gumamit ng Ivermectin powder. Nabibili sa suking poultry supply store. Taktak lang sa tubig at pellets nila (parang Ajinomoto).
"Meron na po yan sa Paa at kamay. Dyan po nag sisimula ang mange nila. Tapos kakalat na yan sa ilong, tenga, at iba pang parts ng katawan. Sir,ganito every time mag papakain ka lagyan mo ng pinch lng po ng ivermectin powder Yung kainan nia morning and night po. For 3-5 days po. Then monitor nio na lng po within a week. Dapat mag laglagan po Yung mga balakubak nia. At pag nag pink po Yung skin nia at natanggal balahibo.. don't worry pagaling na po sya."
"Para Kang nag lagay ng ginisa mix sa ginigisa mo hehehe! Ganun kadami. :)"
🐇 Para naman sa sobra na at tipong nakakalbo na ang bunny, Ivermectin injectables.
Mahalagang Paalala: Humingi ng tulong sa mga eksperto para sa tamang dosage at tamang paraan ng pag-inject. Dahil pag nagkamali, maaaring tamaan ang sciatic nerve. Ito ay delikado at maaari nyang ikamatay.
Inuulit ang prosesong ito after 2 weeks.
IMPORTANT NOTE ON IVERMECTIN:
🐇 Hindi ito pwede gamitin sa buntis o nagpapasusong inahin dahil meron itong abortifacient formula. Gumamit ng natural na paraan o Selamectin para sa mga inahin.
🐇 Kung hindi naman buntis ang doe, maaaring makaranas ng pansamantalang pagkabaog ang rabbit sa panahon ng pagpapagaling gamit ang ivermectin.
🐇Kung malalang malala na:
O kung buntis o nagpapasuso ang doe, hindi pwede ang Ivermectin. Maaaring gumamit ng Selamectin Spot On (subalit ito ay may kamahalan). Isang apply lang, may epektong pang isang buwan.
credits: N&S Rabbit Farm