20/06/2022
Nagkaganito na ba ang mga ibon nyo?
Feather plucking or Feather-picking
Ito ay maaring sanhi ng:
1. Emotional stress
2. Boredom
3. Lack of natural sunlight or fresh air
4. Dryness of skin due to humidity
5. Disturbance in the bird's circadian rhythm
6. Malnutrition/having parasites like ringworm
7. Allergies to environmental factors/food
8. Skin infections/inflammation
9. Liver disease & metabolic disorder
10. Poisoned by heavy metals like zinc
*according to petmd article
Paano ito gagamutin?
Obserbahan muna ang inyong ibon kung:
>kelangan nya ng maluwag o mapayapang maliliparan o cage?
>sila ba ay late nang nakakatulog sa gabi?
>hindi gaanong nasisikatan ng araw?
>konti na lang ang bonding nyo o kulang ka na ng oras sa kanila?
>magugutumin ba sila o laging parang nagkakamot?
Narito po ang ilang maipapayo namin na solusyon batay sa aming experience sa pag aalaga ng ibon:
1. Maglaan ng oras o bonding sa ibon. Kung sakaling mabusy, pwede silang bigyan ng bird toys na kanilang mapaglilibangan. Maaari din silang hanapan ng kapares na hindi sila aawayin. Pwede rin kayong gumawa ng bird swing o iextend ang mga cage nila upang malawak ang kanilang maliliparan. Sa mga handfeed naman ay maaari nyo silang pagalain sa loob ng inyong bahay basta ay siguraduhin po nating nakasarado ang mga bintana at pintuan.
2. Siguraduhin na ang kanilang mga cage ay nasisikatan ng araw o kung hindi man ay maaaring painumin ng tubig na may calcibird o lagyan sila ng cuttlebone.
3. Maaari nyo rin po silang bigyan ng hydration water kagaya ng thunderbird electrogen, electrobird, o anumang vitamins na may electrolytes at dextrose.
4. Panatilihin po natin malinis ang kanilang mga cage at p**p tray para po hindi ito pagmulan ng mga mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa kanila.
5. Pwede nyo rin pong iwash-out ang inyong mga ibon kung sa palagay nyo ay may external parasites po sila o purgahin kung sa tingin nyo naman ay sanhi ito ng internal parasites.
Song: Pahina
Artist: Pricetagg Official
Featured artists: JP Bacallan , gloc-9