29/09/2025
Isa nanamang matagumpay na pagdariwang ng World Rabies Day Celebration sa Rural Health Unit of Pigcawayan - Animal Bite Treatment Center, katuwang ang Municipal Agriculture at Atlas Veterinary Clinic under the leadership of Municipal Mayor Juanito βTotoyβ Agustin. Layunin ng aktibidad na ito na magbigay-kaalaman sa publiko hinggil sa pag-iwas sa mapanganib na rabies, kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa mga hayop, at pagbibigay ng libreng deworming, rabies vaccination sa hayop, at consultation.
Nagpapasalamat ang RHU-Pigcawayan sa ipinakitang interes ng komunidad at mainit nitong suporta sa kaalaman at serbisyong may kinalaman sa kalusugan ng hayop.
See you next year, mga Casimanwa!