Paws N' Stuff

Call Directions

Paws N' Stuff Veterinary Clinic and Grooming Center

30/10/2026

Open for Groom and Supplies ONLY

NO VET On Duty!

19/10/2026

CLOSED TODAY

OCTOBER 19, 2026
Will be Open Tomorrow!

HALITOSIS OR BAD BREATH!!!Isa sa mga pangunahing dahilan ng Bad Breath ay pamumuo ng Tartar at Plaque TARTAR - Matigas n...
12/10/2026

HALITOSIS OR BAD BREATH!!!

Isa sa mga pangunahing dahilan ng Bad Breath ay pamumuo ng Tartar at Plaque

TARTAR - Matigas na namumuo sa ngipin ng aso
PLAQUE- malambot na namumuo sa ngipin

Parehas ay puno ng mikrobyo na isa sa dahilan ng mabahong hininga ng mga alaga natin. Dito rin maaring magsimula ang pagkasira ng ngipin at kung tumagal ang condition na ito ay maaring magpahina sa kanilang mga organ tulad ng puso, atay , at bato ( dahil sa patuloy na pagdami ng mikrobyo sa dugo galing sa pamumuonsa kanilang ngipin. )

TREATMENT !!!
Dental cleaning ang pinaka mainam , na nagagawa sa mga Vet clinic.

Nakakabagal din ang pamumuo ng plaque at tartar and regular na pagbabrush ng kanilang ngipin.

!!!!! Hindi po araw araw ang toothbrush sa mga alaga !!!!!

Gingawa lang po ang brushing 2-3x a week

☆Para sa mga karagdagang kaalaman , lumapit lang po sa inyong pinakamalapit na beterinaryo.

Worms  (Bulate)●weaken a dog's immune system  ~ kung may bulate and inyong mga alaga , mas makikitaan na mas mahina at l...
28/09/2026

Worms (Bulate)

●weaken a dog's immune system
~ kung may bulate and inyong mga alaga , mas makikitaan na mas mahina at lapitin sila ng mga sakit.

Isa sa mga dahilan ay nagiging kaagaw ng nutrisyon sa katawan ang mga parasitiko na ito(worms) , ang proseso ay nagsisimula sa bituka kung san sinisira nila ang normal na proseso ng katawan sa pagkuha ng sustansya sa kinakain. Dito rin nagsisimula ang mga sakit dahil sa paghina ng katawan mas magiging mahina sa mga sakit ang alaga natin.

Kaya mainam na sundin ang deworming program o pagpupurga sa mga alaga. Maiiwasan na ang mga possibleng sakit at mas mapapalakas na ang resistensya nila.

Magtanong lang po para sa mga karagdagang impormasyon sa pinakamalapit ninyong Beterinaryo.

Dont understand ---- Ask Again..If you go to a clinic , vet supply , hospital and got a concern for your pet and they pr...
25/09/2026

Dont understand ---- Ask Again..

If you go to a clinic , vet supply , hospital and got a concern for your pet and they presented the treatment , medication to be applied or use. And you dont understand the principle to it. ----dont be shy to ask.

Its best you as the owner understand what medication is being applied and what will be the effects. Its part of your responsibility to know while your at their clinic.

Sometimes if you neglect this matters , you might not understand the prescription well or the disease thats been diagnosed and you might regret doing mistakes

We. At the Paws n stuff, will explain to you detail by detail. So you wont be confused and clearly understand why were doing this and that. We have a friendly environment so dont hesitate to ask.

Food Quality San ba mas tatagal ang buhay ng mga alaga. Dog food (kibbles) or lutong ulam (prepared food). Sa ngayon mas...
23/09/2026

Food Quality

San ba mas tatagal ang buhay ng mga alaga. Dog food (kibbles) or lutong ulam (prepared food).

Sa ngayon mas practise na ng mga nag aalaga na dog food kung okay pa sa mga alaga, at lutong ulam kung inaayawan na ang dog food.

Wala namang mali doon , nagkakaroon lang ng mali sa dog food -- kung pangit na klase ang napapakain , mahina ang protina , mataas ang taba( oils) , at mga mineral tulad ng asin.

Wala ding mali sa lutong ulam , pero dapat nasa gabay ng beterinaryo ang preparation at hindi ihahawig sa pagkain ng tao. Dapat balanse din at hindi puro karne , atay na mas kadalasang gusto ng mga alaga natin.
Dapat kumpleto ito sa protina, karbs , fats at fiber na kailangan ng katawan nila at sa tamang dami rin.

Kung matutunan natin aralin ang mga ito. Mas mapapatagal ang buhay ng mga alaga at mapapaganda rin ang kabuuang kalusugan nila (magandang balahibo, mataas ang resistensya , at mababang chansa ng organ failure )

20/09/2026

CLOSED TODAY
SEPTEMBER 21, 2026

Guide sa Paglilipat ng panibagong brand ng dog/cat food. Maiging masundan para hindi manibago ang mga alaga.Paws N' Stuf...
26/06/2026

Guide sa Paglilipat ng panibagong brand ng dog/cat food.

Maiging masundan para hindi manibago ang mga alaga.

Paws N' Stuff

15/06/2026

CLOSED !!
JUNE 16 & 17

CATARACT o KatarataPaglabo ng lente ng mata. Maaring magkaroon ang inyong alaga ng  katarata sa pamamagitan ng :1. Base ...
12/06/2026

CATARACT o Katarata

Paglabo ng lente ng mata. Maaring magkaroon ang inyong alaga ng katarata sa pamamagitan ng :

1. Base sa edad
2. sakit ( diabetes)
3. Namamana
4. ** Nagkaroon ng IRITASYON

Ipaliwang natin ang pinakamadalas na kadahilanan yun ay ang irritation.

Kadalasan nakukuha sa irritation para sa mga mahahaba ang balahibo na aso /pusa (common shih tzu, poodle , chowchow ,at iba pa breed na mabalahibo) kung saan tumutusok ang balahibo sa mata.

SOLUSYON: dapat nababawasan once a month ang buhok sa mukha para maiwasan ito. Dito kasi nag-iipon sa excessive na balahibo sa mukha kung saan tumutusok sa mata ng alaga ninyo, at patuloy silang nagluluha dito sa condition na to. Hanggang sa mag ipon ng mikrobyo at mangati hanggang kamutin nila ito at mag simula ng iritasyon sa mata.

May mga ilan pang dahilan sa pangangati , tulad ng Galis, fungal ( buni ), pulgas. Ang mga ito ay maari magdulot ng iritasyon sa balat lalot kung ang pangangati at gawi sa matang bahagi at aksidenteng makamot ng alaga ay maari dn humantong sa paglabo o pagkasira ng mata.

Mahalaga din na huwag gamitan ng matatapang na panlinis sa mukha at lalong kung malapit ito sa mata , tulad ng paggamit ng wipes na kadalasan ay alcohol base na possibleng magdulot ng matinding irritasyon sa mata.

At para sa mga nagsimula na may katarata , o pamumula sa mata , sugat o komplikadong lagay ng mata ng alaga , mahalaga pa din kumosulta sa isang beterinaryo para sa akmang gamot at pag alalaga dito.

Address

Zamora Street Poblacion, Brgy . 1
Peñaranda
3103

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 10am - 5pm
Friday 10am - 5pm
Saturday 10am - 5pm
Sunday 10am - 5pm

Telephone

+639351553493

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Paws N' Stuff posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby pet stores & pet services