10/04/2025
🤍
Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Memorandum Circular No. 2020-003 na naglalayong magbigay-linaw sa patakaran sa pagsasakay ng mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon sa bagong memo, imbes na ilagay sa compartment, maaari nang isakay ng isang amo ang kanyang alaga sa tabi niya, kailangan lamang na nakalagay ito sa carrier, nakasuot ng diapers, at babayaran ang upuang naaangkop dito.
Saklaw ng kautusang ito ang public buses, jeepneys, UV Express service, at premium point-to-point buses. Hindi rin dapat makompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng ibang mga pasahero.