20/01/2026
Hindi siya magnanakaw.
Isa siyang gutom na a*o.
Tinaga siya dahil kumuha lang ng manok sa palengke,isang kilos na bunga ng instinct at survival, hindi ng masamang puso.
Wala silang alam sa batas ng tao, sa salitang kasalanan.
Ang alam lang nila: kumain para mabuhay.
Sa mundong dapat sana’y may awa, karahasan ang isinukli sa isang inosenteng nilalang.
Hindi ito aksidente,ito ay kalupitan.
🕯️ Para sa’yo, maliit na anghel.
Nawa’y sa lugar na kinaroroonan mo ngayon, wala nang gutom, wala nang takot, wala nang nananakit.
Nanawagan kami ng HUSTISYA.
Panagutin ang gumawa nito.
Hindi dapat palampasin ang ganitong karahasan laban sa mga walang boses.
Ang a*o ay survival.
Ang tao ay dapat may konsensya.
©️ctto