06/07/2025
Hello po.
Thank you for your review.
First and foremost, condolence po on passing of your dog, JR. Ang gusto lang po namin is gumaling po sana lahat ng mga pasyente namin. Unfortunately, we are not God. Allow us po to answer your concerns po about his condition. Upon investigation, ito po yung mga findings po natin.
1. Si Tatay po ang nagpunta for consult kasama si JR. Unang una po, matanda si JR. May mga senyales ng bukol. Ito ay systemic na sign, ibig sabihin, pwedeng may malaking nangyayari sa loob ng kanyang katawan. Isa na dito ay pwedeng cancer. Sa mga nirekomenda na mga tests, lahat ito ay mga routine o normal na gagawin para sa kanyang ka*o. Hindi po namin pinipilit ang mga kliyente na gawin ang mga ito. Nasa kay Tatay po ang desisyon kung ipapagawa ba o hindi. Muli, lahat ng tests ay importante para malaman kung anong nangyayari sa pasyente.
2. Matanda na si JR. 11 years old. Yung bukol po niya ay mukhang matagal na problema. Nalaman nga po natin base sa mga test na may iba pang nangyayari sa kanya. May tama ang kanyang kidney. Base din sa mga resulta, mukhang may cancer din po si JR. May mga parasitiko din siya. Base sa mga tests, may dalawang nakamamatay na parasitiko. Muli, lahat po ng tests ay inaprobahan ni Tatay po. Hindi po ito para itaas ang bayarain po ninyo. Ito ay para makita ang kabuuang nangyayari kay JR.
3. Ang mga gamot na binigay ay para sa mga problema sa loob ng katawan ni JR. Ito ay base sa mga tests. Hindi po tayo nagbibigay ng kahit anong gamot na walang basehan po. Kung may ma maliliit na sugat, yung gamot ay nadaan sa oral medicine po. Ang mga maliiliit na sintomas na sugat ay di kailangang gamutin isa isa sa labas. Mas mabilis po itonng magamot pag pinapainum. Base din po sa check uip, mga bukol buko po ito. Hindi ibig sabihin na hindi po ginamot yung mga pinacheck up ninyo.
4. Iba iba po ang response ng katawan sa gamot. Minsan ang mga matatandang a*o, pwedeng gumaling agad. Pwede rin na matagal ang paggaling. Pwede rin na hindi gagaling. Pag hindi gumagaling, nagbibigay ulit tayo ng ibang klase ng gamot. Ganun po ang medisina. Kay JR, unfortunately, hindi po maganda ang pag galing nito. Madami pong pwedeng dahilan. Yung kanyang edad. Yung kanyang kidney. Yung kanyang resistansya.
Ngayon po, tanong ninyo " Bakit binigyan ng malakas na gamot?".
Again, itong mga gamot ay importante. Nagbigay po tayo ng gamot.
Pag di kami nagbigay ng gamot at namatay ang pasyente, sisisihin na naman po kami.
Bakit hindi gamot sa bukol? Walang specific na gamot sa bukol. Pwedeng surgery pero hindi po ito maganda sa sitwasyon ni JR.
Muli, pag hindi gumagaling ang pasyente nga 2 tatlong araw, pwedeng tumawag sa clinic. Minsan after 7 days ang follow up. Pero pag may nakikita po tayong hindi maganda habang ginagamot ang pasyente, pwede po kayong tumawag.
Hindi po kasalanan ng mga doctor kung NAGDEDECLINE ANG HEALTH ng mga pasyente. Pati sa tao po, nangyayari po ito. Iba iba po ang reaksiyon ng katawan sa mga gamot.
Ang approach po natin ay evidenced based. Pag may problema, mag imbestiga po ang mga doctor base sa kung anong resulta ng exam.
With the consent ng owner.
Hindi po pwedeng: Pumunta ang pasyente na may bukol, bigay ng gamot para sa bukol. Tapos na.
Muli, si Tatay ang nagdedesisyon kung gagawin ba ang mga bagay bagay. Huwag po ninyo sana kaming SISIHIN KUNG PINAGAWA NG MGA ITO, OR PINA CHECK UP NINYO SI JR AT GUMASTOS AT NUNG HINDI GUMALING, KASALANAN PO NI DOCTOR O CLINIC.
Namatay o nag deteriorate sa bahay ninyo si JR. Namatay siya 7 days after ng consulta. Hindi po kami nainform kunag ano lagay niya nung 5 days o 6 days? Kung napansin ninyo na parang hindi gumagaling, nagpunta po ba kayo sa clinic? Ininform niyo po ba kami?
Nung namatay na po si JR, saka po kayo nagagalit sa amin. Ngayon po kayo nagagalit kasi pinatest ni Tatay? Kasi gumasto po kayo? Saang mang hospital po, may gastos. Buhay man po o patay ang pasyente. Again, nakikiramay po kami kay JR. Kung DIYOS lang po kami, bubuhayin po namin lahat ng pasyente namin.
Again, condolence po kay JR. Salamat po at pinagamot at pinacheck up po ninyo siya. Unfortunately, bumigay po siya.