06/11/2025
https://www.facebook.com/share/17PyWDmMKh/
๐ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐๐ง๐ ๐ข๐ ๐ ๐๐๐ง ๐๐ก๐ฆ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ข๐ก (๐๐ข๐ ๐), ๐๐ง ๐ ๐๐๐ง ๐๐ก๐ฆ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐๐ง๐ (๐ ๐๐)?
Ang Certificate of Meat Inspection (COMI) ay ibinibigay kalakip ng imported na karneng nagmumula sa mga awtorisadong cold storage warehouse (CSW) ng National Meat Inspection Service (NMIS). Ito ay katibayan na ang imported na karne ay dumaan sa antemortem at postmortem inspection ng mga awtorisadong meat inspectors sa pinanggalingang bansa, at ang karne ay nagmula sa mga bansang pumasa sa pagsusuri ng mga eksperto mula sa NMIS at Bureau of Animal Industry (BAI).
Ang mga karneng kinatay naman sa ating mga lisensyadong bahay-katayan at poultry dressing plant (PDP) ay may kalakip na Meat Inspection Certificate (MIC). Ito ay sertipikasyon na ang karne ay dumaan sa pagsusuri ng mga lehitimong meat inspectors dito sa Pilipinas.
Mahalaga ang pagtitiyak na may angkop na sertipiko ng pagkasuri ang karne upang matiyak na ito ay ligtas kainin ng tao, at walang dulot na anumang banta sa kanilang kalusugan at kaligtasan, gayundin sa kalusugan ng mga lokal na hayop na pinagkukunan ng supply ng karne ng ating bansa.
Anumang karne, lokal man o imported, na walang kaukulang sertipiko ng pagkasuri ay itinuturing na โhot meatโ, at mapapasailalim sa pagpapatupad ng kaukulang batas ng lokal na pamahalaan o ng National Meat Inspection Service (NMIS), ayon sa Meat Inspection Code of the Philippines.
๐ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐จ๐ฆ๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ฆ ๐๐๐จ๐๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ "๐๐ข๐ง ๐ ๐๐๐ง"?
Ayon sa ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ฑ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐, sinumang magbebenta, magbibiyahe, mag-aalok o tatanggap para sa pagbebenta o pagbibiyahe ng โhot meatโ, tulad ng karneng walang lehitimong COMI o MIC, ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong at/o multa.
Ang sinumang mapapatunayang nagkasala ay maaaring:
๐ Multang mula โฑ200,000 sa unang paglabag; โฑ300,000 sa ikalawang paglabag, at โฑ500,000 sa ikatlong paglabag at tatlong (3) taong pagbabawal sa operasyon ng negosyo.
๐ Kumpiskasyon ng produkto.
๐ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐จ๐ฆ๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐ ๐ข ๐ ๐๐?
๐ Kumpiskasyon ng produkto;
๐ Multang โฑ200,000 sa unang paglabag, โฑ300,000 sa ikalawa, at โฑ500,000 sa ikatlo at pagbabawal sa operasyon ng negosyo ng tatlong taon sa ikatlong pagkahuli, gayundin sa mga susunod pang pagkahuli.
๐ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐๐จ๐๐๐ก ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ก๐ฆ๐๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐ข๐ฆ๐ฌ๐๐ก๐ง๐ ๐ข ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐?
โ๏ธ Tiyakin na ang karneng binibili, binebenta, o binabyahe ay may lehitimong COMI o MIC.
โ๏ธ Kumuha o bumili lamang ng karne mula sa mga lisensyadong meat establishments o tindahan.
โ๏ธ Maging mapagmasid at i-report sa kinauukulan ang kung may nalalamang paglabag sa batas na ito.
Ang NMIS ay kaisa ng bayan sa pagmamatyag at pagtitiyak ng ligtas na karne para sa lahat.
Para sa higit na impormasyon, i-follow ang NMIS page, at bisitahin ang aming website sa https://nmis.gov.ph/