
17/02/2025
LIBRENG KAPON SA PAWS NGAYONG WORLD SPAY DAY, PEBRERO 25! 💚
Ang PAWS, katuwang ang Vets In Practice at sa tulong ng Globe at ng kanilang mga subscriber na nag-donate ng kanilang Globe Rewards points sa PAWS, ay maghahandog ng LIBRENG KAPON (SPAY/NEUTER) para sa mga INDIGENT PET OWNERS bilang pagdiriwang ng WORLD SPAY DAY sa PEBRERO 25, MARTES.
MAG-REGISTER NA: https://forms.gle/c6zArQ2dyUg4mTMs6
Mga kwalipikasyon:
• May alagang ASPIN o PUSPIN na may edad mula 6 na buwan hanggang 4 na taon;
• Malusog ang alaga at walang sakit
Kinakailangan ang pre-registration dahil isiscreen ang mga aplikante upang matutukan ang mga indigent pet owners. Sa ngayon, mayroong patuloy na kakulangan sa veterinary anesthetic sa Pilipinas, kaya’t bibigyan ng priyoridad ng PAWS ang pagtulong sa mga walang sapat na kakayahang magbayad para ipakapon ang kanilang mga alaga, maging ito man ay low-cost.
Limitado lamang ang mga slots at hanggang 2 alaga ang pwedeng tanggapin kada-household, kaya mag sign-up na! 🐶🐱
* Ang bawat application ay susuriin upang matukoy kung kayo ay kuwalipikado, at magpapadala ang PAWS sa inyo ng mensahe sa pamamagitan ng email upang ipaalam kung kayo ay nakapasok sa slots.
* Dahil sa mataas na bilang ng mga “no show” at “joy reserver” sa mga libreng kapon outreach ng PAWS, magkakaroon ng P200 na refundable deposit sa oras ng booking, na ibabalik din sa inyo pagkatapos makapon ang inyong alaga sa PAWS. Ito ay upang matiyak na makakadalo ang mga nagparehistro at hindi masasayang ang slot. Kung hindi makadalo ang nagpareserba, hindi na maibabalik ang P200 na deposit at gagamitin ito para sa gastusing medikal ng shelter animals ng PAWS.
* Ang mga kumpirmadong aplikante ay kinakailangang magdala ng valid government-issued ID sa araw ng Spay Day upang makapasok sa PAWS.
Tulong-tulong tayo upang mapabuti ang buhay ng ating mga alaga at labanan ang pet homelessness! KAPON ANG SOLUSYON! 🐾