11/02/2026
Nakakalungkot lang dahil yung mga content creators na rescuers or may shelter kuno na may mga sobrang babait na donors/sponsor ay hindi marunong pahalagahan ng mga abusadong mga tao na ito. Abot abot ang panghihingi ng donasyon pero hindi naman talaga ginagamit or napupunta sa mga a*o at pusa ang donasyon na binibigay sa kanila kundi diretso sa kanya kanya nilang mga bulsa. Kala ko mga Pulitiko lang ang corrupt meron din pala sa AW🫨 ang iba nga jan mga nakakapagpagawa ng bahay na halos mala mansion na sa laki at nakabili na rin ng mamahaling mga kotse kung makagastos daig pa sa sariling bulsa nila nanggaling ang mga winawaldas nila na salapi. Pero maya maya mag po post at magpapaawa sa Facebook at idadahilan ang mga a*o at pusa kesyo kailangan ng ganito ganyan wala silang ganito wala silang ganyan.
Diyos ko po nasaan po ba ang awa ninyo sa mga animals? Hindi ba kayo nakokosensya ginagamit nyo ang mga a*o at pusa para umangat kayo sa buhay? Tapos ang masaklap pa gugutumin nyo mga a*o at pusa sa puder nyo at pag nagkasakit pa hahayaan nyo lang maghirap hangang sa mamatay nalang na wala manlang kayong ginawa.
Nakakadurog ng puso pinaggagawa ninyo! Porket alam ninyo maraming tumutulong sa mga animals ite take advantage nyo na! huwag naman po sana ganun! Maraming way para kumita hindi yung ganyan na manloloko kayo ng mga tao at mas lalong huwag ninyo gamitin ang mga a*o at pusa sa panglilinlang ninyo. Imbes na napupunta na sana sa mga totoong rescuers or shelter na nangangailangan ng tulong eh kayo at kayo lang na mga manloloko/scammer ang nakikinabang! Konting hiya at konsesnya naman!
Hindi po ako mahilig mag post ng mga ganito pero tahimik lang din kasi akong nagmamasid at nakikinig at base na rin sa nasaksihan at experience ko nuon sa isang rescuer na may shelter shelteran din kuno eh mapapatunayan ko na totoong nangyayari po talaga ito. masyadong bulag lang karamihan sa mga tao dahil sa sobrang tiwala at bait nadadala sila sa mga drama nitong mga rescuers or stray feeders kuno nagpakain lang ng konte sa strays certified animal lover na pero sa likod ng camera iba naman talaga ang totoong nangyayari eka nga nila eh FOR THE CONTENT LANG! 😕
Haaaayyyy buhay..... Grabehan na yan panggagamit ninyo sa mga innocent animals at pati na rin sa mga kawawang mga nagdodonate na nagpapakahirap din para kumita ng salapi tapos easy lang sa inyo waldasin ang mga binibigay nila at dalhin sa kanya kanya ninyong mga luho? Kilabutan naman ho kayo sa mga pinagagawa ninyo tandaan po ninyo na kailanman hindi ninyo maipagmamalaki ang mga bagay na hindi nyo nakuha sa malinis na paraan kaya sana magpakatotoo po tayo dahil may balik lahat ng kasamaan na ginagawa natin nakikita ni Lord lahat yan kaya hanggat may oras pa magsipag bago na kayo!
🙂