07/07/2026
Happy 3rd Anniversary, Here Comes The Groom! ๐พ๐ค
3 years ago, nagsimula kami with nothing but faith, hard work, and a simple dream.
Student pa lang ako noon, while my boyfriend (now my fiancรฉ) was working as a government employee. Hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng journey na โto, pero alam naming gusto naming bumuo ng isang bagay na maipagmamalaki namin.
Hindi naging madali ang lahat. Maraming puyat, pagod, at mga panahong kinakabahan kami kung paano namin pagkakasyahin ang budget at mapasasahod ang aming staff. Pero simula day one, God has always provided. Sa bawat pagkakataong parang kulang, laging gumagawa ng paraan ang Panginoon. Hindi Niya kami kailanman pinabayaan.
Maraming salamat sa aming pamilya, staff, loyal clients, friends, at sa lahat ng sumuporta sa amin mula pa noong umpisa. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit nandito pa rin kami hanggang ngayon.
Habang unti-unting lumalago ang Here Comes The Groom, isa lang ang gusto naming baunin: patuloy kaming magsisikap, magiging tapat sa aming serbisyo, at ibibigay ang best namin sa bawat fur baby na ipinagkakatiwala ninyo sa amin. Hahayaan naming ang aming trabaho, malasakit, at mabuting pakikitungo ang magsalita para sa amin. Kasama ang Panginoon sa bawat hakbang, sapat na iyon.
Small business with big dreams. ๐ค
To God be all the glory. Happy 3rd Anniversary, Here Comes The Groom! ๐๐ถ๐ฑ