28/06/2022
Bili na kayo ng PRY and JUBI PISH.
Lets support our local fish breeders and Sellers.
Paano makahanap ng Trusted local fish breeder and seller?
1. Good track record - be it show awards or yung pag na mention yung pangalan kilala din ng ibang fish keepers (kilala for good reasons).
2. Costumer support - dun tayo sa seller at breeder na tuturuan ka paano alagaan yung isda mo after niya ma benta sayo di dun sa who you ka pag nabentahan na.
3. Passion over business - madami tayo makikita ngaun na breeders and sellers na nag bebenta ng isda for the sake of income. Though di natin sila ma jujudge pero iba pa rin ang seller at breeder na inuuna ang passion for the hobby. Yung tipong kahit wala na halos kita pero para lng ma promote yung hobby sa mga baguhan eh okay lng.
How do we support our trusted local fish breeders and sellers?
1. Wag tumawad sa presyo ng isda - lalo na pag swak nman ung price para sa quality.
2. Never expect special price if friend ka or newbie ka - I have seen a post recently na ang caption ay "presyong pang newbie" po sana. Don't make it an excuse if your a newbie to ask for discounts kasi di naman nag babago ang quality ng isda base sa kung gaano ka na katagal sa hobby. ang presyo ng isda ay naka depende sa quality nito. Also kung ang kaibigan mo ay fish breeder or seller, mag bayad ng saktong presyo katulad ng iba, at wag ng tumawad pa unless yung kaibigan mo na mismo yung nag offer ng discount.
3. Vouch for them - if wala ka pambili ng isda or if di ka pa bibili ng isda you can vouch for your local fish breeder or seller to other fish keeper. Like, heart and comment on their post. Simple lng pero malaking bagay na yan sa kanila.
Ikaw? may kilala ka bang trusted local fish breeder and seller? p**i comment naman sa baba para malaman ng ibang fish keepers and yung mga papasok pa lng sa hobby.