12/11/2024
THIS IS FOR AWARENESS TO EVERYONE ❗️‼️
SCAMMER ALERT ‼️
Sa lahat po ng mga soon to be buyer ng stainless cage o ano mang produkto ganun na din sa mga kapwa seller na katulad ko, at sa lahat ng mga buyer na mahilig maghanap ng mura na produkto.
Kung masyadong pong mura ang produkto maalarma na po kayo! Please lang naiintindihan po namin na sa panahon ngyon napaka hirap kumita ng pera, pero hanggat maaari ho ay wag tumangkilik ng masyadong mura na produkto kung ayaw nyo ho ma “ Expectations vs. Reality “.
Ganito na ang sistema nila ngyon kunware bibili sainyo ng produkto at hihingi ng hihingi ng picture na katunayan na na process nyo na ang order nila yun pala ay sinesend nila ito sa buyer nila na bibiktimahin pag nasend nila sa biktima nila na naka karga na sa rider ang produkto hihingan nila ng down payment ang biktima at pag nakuha na hindi na sila makokontak ng biktima at ng tunay na seller bandang huli na scam ka sa oras at effort sa pag ayos ng produkto nya at na scam din nya yung lalamove rider sa tagal na pag hihintay dito samen hanggat hinihintay na mabayaran nya kami at na scam din nya ng pera ang nabiktima nya.
Ang original price ng cage namin ay 4500 each pero binenta nya ito sa biktima nya ng 3500 for 2pcs na. Sobrang layo ng presyo 🤦🏼♀️
Naconfirm namin na naka scam sya nung kinuha namin sa lalamive rider yung no. Nung drop off sana na isang food delivery rider at umiiyak samen.
Hindi kami nakuhaan ng cage dahil hindi namin pinapaalis dito ang rider hanggat hindi pa bayad lalo kung sila ang nag book sa lalamove.
Kung gusto nyo ng Quality na produkto dapat mag laan din kayo ng sapat na budget.