01/11/2026
A MESSAGE OF LOVE AND SYMPATHY
From Furever Madre De Cacao Philippines
Mabigat sa aming puso ang sinapit ng 29 na alagang hayop na natagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.
Sa mga inosenteng fur babies na nasawi, sana’y malaman ninyo na ang inyong mga buhay ay mahalaga. Hindi kayo basta mga alaga lamang—kayo ay mga minahal na kasama at bahagi ng isang pamilya. Deserve ninyo ang pagmamahal, pag-aalaga, at isang marangal na pamamaalam.
Sa mga fur parents na nawalan ng kanilang mga minamahal na alaga, nakikiramay kami sa inyong sakit at pangungulila. Alam naming walang salitang sapat upang mapawi ang inyong kalungkutan. Nawa’y matagpuan ninyo ang katotohanan, kapanatagan, at hustisya na inyong hinahanap.
Bilang isang pet care brand, naniniwala kami na ang bawat hayop ay nararapat tratuhin nang may pagmamahal, respeto, at malasakit—habang sila ay nabubuhay at maging sa kanilang huling pamamaalam.
Rest peacefully, little ones. You deserved so much better.
Hindi kayo malilimutan. 🐾