05/09/2023
WE NEED YOUR HELP! Kahit piso, makatutulong!
Update: Our furangel "Eli" was brought to Vetlink Veterinary Services - A Community Vet Clinic and was observed to have damages to her pelvic region. Kailangan siyang madala sa Ortho para mas macheck ang extent ng damage at kung anong therapy ang kailangan. She was given pain relievers and antibiotics as first aid.
Gusto naming maagapan pa sana ang kalagayan niya para magka chance na maka recover 'yung pilay n'ya. 9
You may send your donations here:
09278891574 / Julius T. - GCash
09688927891 / Julius T. - PayMaya
----------
Eli's tory:
Habang nakamotor kami sa EDSA, malapit sa kanto ng Buendia, bigla na lamang lumabas sa gitna ng kalsada ang pusang ito, na parang nilaglag lang mula sa isang sasakyan. Nagulungan s'ya ng ibang sasakyan, at nagtatakbo s'ya, at nang nasa harap na namin s'ya, nakita namin na buhay pa s'ya at parang buntot o likod na paa lamang ang nagulungan.
Doon kami tumigil at humarang sa daan para subukan s'yang itabi. Kita sa hitsura n'ya na nasasaktan s'ya. Sinusubukan pa n'yang dilaan 'yung buntot at likod na bahagi ng katawan n'ya. Bumaba ako para lapitan s'ya ngunit nag hiss s'ya, malamang dahil sa takot at sakit. Kinagat n'ya pa ako sa may paa, ngunit pinilit pa rin namin s'yang maitabi.
Nang makarating na s'ya sa bangketa, sumiksik s'ya sa pagitan ng poste ng ilaw at doon s'ya tumigil sa 'pag hiss at umiyak ng umiyak sa sakit. Pinilipit ko s'ya kausapin at i-comfort. Sabi ko, "babalikan ka namin".
Binalikan s'ya ng partner ko after ako ihatid. Hindi na raw s'ya nag hiss. Pakiramdam ko, alam n'yang naroon kami para tumulong. Hindi talaga s'ya umalis doon sa pwesto hanggang mabalikan s'ya. Nagtiwala s'ya.
Isang napansin namin ay may collar s'ya. Ibig sabihin, may may-ari sa kanya.
If you can no longer care for them, please have them adopted. Huwag lang itapon lalo sa lugar na mapapahamak sila.