23/06/2026
Homily Transcription by Fr. Dave Concepcion
⛪️ Monday of the Twelfth Week in Ordinary Time
🗓️ June 22, 2026 - 6:00 pm
📖 Matthew 7:1-5
📍Sts. Peter and Paul Parish Church, Makati
Link: https://www.youtube.com/watch?v=yD8wSqgXLX0
We are reminded to stop judging, so that we might not be judged. Mother Teresa of Calcutta has said this, "If you are too quick to judge, you have no time to love." But you can point out to your brother or sister what is wrong without being prejudiced or being biased. Minsan ayaw na nating sabihin kung ano ang katotohanan dahil natatakot tayo; baka kung anong sasabihin nila o baka magalit.
Hindi na natin masabi sa ating kapwa na may muta ka. Kaya mo bang sabihin doon sa katabi mo, "May muta ka." Hindi na natin masabi. Bakit? Natatakot tayo na baka magalit. Sabi ko, madali lang naman ‘yan. Kaysa naman, hayaan mo siyang naglalakad na nakikita ng maraming tao. Hindi naman 'yan paghuhusga. Ay sabi, "Paano po ba sasabihin, Father, na may muta siya?" Ganito lang ’yon. Sabihin mo, "May muta ako?" "Wala po." "Buti ka pa, meron." May mga bagay na puwede mong sabihin na hindi masakit.
Stop being judgmental. Judgmental means you look at things according to your world. May kanya-kanya tayong pinagdadaanan. Mabilis ang paghuhusga kapag hindi natin naiintindihan. Higit sa lahat, dahil gusto nating palaging tayo ay maayos, maganda, mabuti, ano’ng nangyayari? Nagiging hipokrito tayo. We become hypocritical. Trying to pretend that we are always right, always correct, always true, name it.
I always say this. Wala naman talagang perpekto. Ang perfecto ngayon, kung hindi pangalan, apelyido na lang. Wala talagang perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali. Ang ating mga patron, alam natin ang kanilang mga pagpupulutan at kahinaan. At mula sa kanilang kahinaan, sa kanilang pagkakamali, tinanggap nila ito at bumangon sila at ginawa nila ang kalooban ng Diyos. Ginawa nila kung anong kalugod-lugod sa Diyos. Lahat tayo ay mayroong kanyang kahapon. At kung hindi natin babaghuhin ang ating pag-uugali, ang ating mga kahapon ay siyang magiging ating bukas.
Sabi nga ni San Agustin, "All saints have their past, so all sinners have their future." Hindi tayo nakukulong sa ating kahapon. Hindi nakulong si San Pedro sa kanyang pagkakamali, sa kanyang pagtanggi na "Hindi ko 'yan kilala." Si San Pablo, hindi siya nakulong sa kanyang mga kasalanan na pinapatay niya ang ibang taong naniniwala sa Diyos. Tinanggap nila ang kaparusahan. Sabi nga si Pedro, habang nabubuhay ay araw-araw na lumuluha, na ayon sa isang manunulat, ang kanyang mukha ay nagkaroon ng kanal ng luha. Nagkaroon ng kanal ang kanyang mukha kasi hindi tumitigil ang pagpatak ng kanyang luha dala ng kanyang pagsisisi. Pero binago niya ang kanyang buhay at, alam natin, namatay siya; ipinako siya nang baliktad kasi siya mismo ang nagsabi, "Hindi ako karapat-dapat na ipako tulad ng aking Diyos." Pagbabago.
Pero alam po ninyo, kung inyo pong napagtuunan ng pansin ang unang pagbasa, ito ay mayroong mas malaking kasalanan. And what is the sin in the first reading that most of us have taken for granted? That is the sin of ingratitude. Why ingratitude? Despite the things that God has done for His people, redeeming them from the land of slavery, and where they are at this point, they have chosen other gods aside from the true God who saved them, and they started to do evil. Ingratitude is not just doing what is wrong; it creates pain for the people who invested their love in you. Ang kawalan ng utang na loob. Ang utang na loob ay hindi nababayaran. Ang utang na loob ay tinatanaw. Hindi mo nakakalimutan.
Gratitude is not just remembering what people have done for you. It is the memory of the heart. And I always say this, the secret of a happy life is a grateful spirit. Not all happy people are grateful people, but all grateful people are happy people. And you have to accept that we are miserable because we fail to be grateful. Kaya tayo miserable; isa lang ang dahilan. Kulang tayo sa pasasalamat. Ang meron lang tayo ay magreklamo. Ang malungkot na kuwento ngayon: ang mga bata, 'pag binigyan mo, hindi na nagsasabi ng thank you. 'Pag binigyan mo ang ibang bata, ang sagot sa iyo, "Ito lang?"And how would you feel that you are giving yourself, and yet people are ungrateful?
What is the challenge? Number one, don't do things because you will be appreciated. Do good things because it is who you are. Madalas ko rin po itong sinasabi. When people are good to you, be good to them. But when people are bad to you, be good to them because it is who you are. If you repay evil with evil, it makes us all evil. Be good, even though you will not be appreciated, because it is who you are.
Second, let it be. Your life is striving to do good. Because appreciation that is not really given is nothing. Ano man ang pasasalamat na ikaw ang nagsabing magpasalamat ka naman, ay wala nang halaga. Kasi hindi na 'yan galing sa puso. Allow people to be grateful from their hearts. Kung hindi, well, thank you pa rin. Ang Mahal na Birhen ay palaging nagkakaloob ng sarili, meron man itong papuri o wala. Meron man itong pasasalamat o wala. Sapagkat ang katotohanan ng ating pananampalataya ay hindi nagbabago ang kabutihan ng Diyos kung tayo ay mabuti. Hindi nagbabago ang kabutihan ng Diyos kung tayo ay masama. Hindi nadadagdagan ang kaluwalhatian ng Diyos kung tayo'y nagdadasal, at hindi nababawasan ang kaluwalhatian ng Diyos kung hindi tayo nagdadasal. Walang pangangailangan ang Diyos para sa atin. Tayo ang may pangangailangan sa Diyos.
Kaya nga, ito ang mas mahalaga. Sinong higit na pinagpapala? Ang sagot ay ang mga taong marunong magpasalamat. Ang mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Kaya nga ang pagdiriwang natin ng mga nobenaryo, ng Santa Misa, ay hindi lamang paghingi, kundi pagtanaw ng utang na loob. Sana po ang ating mga panalangin ay nakaugat sa pasasalamat, bago ang paghingi.
Sabi ko nga, may mga tao na talagang mapagbigay. Sabi niya, "Oh, bakit mo binibigyan 'yan? Ang tamad-tamad, hindi naman kumikilos." Anong sagot? "Nakakaawa." Pagkatapos ng ilang buwan, "Oh, binibigyan mo pa rin. Hindi naman nagbabago." "Nakakaawa.” Pagkatapos ng isang taon, "Oh, ba't 'di ka na nagbibigay?" "Nakakainis na." May hangganan minsan ang kagandahang-loob. Pero ang Diyos ay hindi. Sabi nga, ang pagpatak ng ulan ay para sa mabuti at makasalanan. Ang pag-ibig ng Diyos ay para sa lahat. Kaya ang ating mga nobenaryo harinawa ay pagtanaw ng utang na loob at hindi lamang mayroong hinihingi.
Going back to what I've said. Number one, don't judge because if you are too quick to judge, you have no time to love. Second, if people are good to you, be good to them. But if people are bad to you, be good to them because it is who you are. Because if you repay evil with evil, it will make us all evil. And third, do not forget this. The secret of a happy life is a grateful spirit. Not all happy people are grateful people, but all grateful people are happy people.