
19/06/2025
๐๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ก๐ฒ๐๐: ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐๐ถ๐๐, ๐๐๐ถ๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐น๐๐น๐๐๐ผ๐ด ๐ป๐ฎ ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ
Simula ngayong Hunyo, hindi na i-impound ng Cebu City Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF) ang mga healthy stray dogs o malulusog na a*ong pagala. Ayon kay Dr. Alice Utlang, hepe ng DVMF, ang mga ganitong a*o ay malamang may tag-iya at hindi dapat ikulong sa pound.
Sa panayam, sinabi ni Utlang na ang mga a*ong mataba, maganda ang tindig, at walang galis ay indikasyon ng may-ari. Kapag nakita ng kanilang opisina ang ganitong kondisyon ng a*o, bibigyan ito ng bakuna at lalagyan ng pink na pintura bilang palatandaan. Kapag nakita ulit ito sa bahay ng may-ari, agad silang bibigyan ng citation ticket bilang parusa sa pagiging iresponsableng pet owner.
Ito ay kasunod ng mga viral na larawan noon ng siksikang mga a*o sa city pound na tila hindi makakilos sa dami. Ayon kay Utlang, dapat ay hindi pinarurusahan ang mga hayop na hindi naman agresibo o may sakit, bagkus ang dapat managot ay ang mga may-ari na nagpapabaya. Tanging ang mga a*ong agresibo o may sakit na lang ang i-impound ng lungsod.
Ang hakbang na ito ay layuning mapabuti ang kalagayan ng mga hayop habang isinusulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop sa lungsod. Ipinapaalala din nito sa mga fur parents ang kahalagahan ng tamang pagpaparehistro, pagpapabakuna, at pagbabantay sa mga alaga upang maiwasan ang multa, rabies, o pagkahawa ng sakit sa komunidad.
Hinihikayat ng DVMF ang mga pet owners na maging mas responsableโgamitin ang leash tuwing lalabas, panatilihing bakunado ang alaga, at irehistro ito sa tamang ahensya. Isa ring solusyon ang paggamit ng pet microchips at digital registration systems gaya ng alok ng mga grupong gaya ng Petdentity, upang mabilis matukoy kung sino ang may-ari sa oras ng insidente.
๐๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ / ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฒ๐๐:
Cebu Daily News & Cebu City DVMF