07/03/2025
JUSTICE TO MINGMING 😭
Humihingi ng tulong ang non-profit organization na CARA Welfare Philippines para mahanap ang isang Chinese national na nakuhanang sinipa ang community cat na si "Ken" sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City.
Ayon sa CARA, nagpapahinga lang umano ang pusa sa walkway nang sipain ito. Namatay ang pusa matapos nito.
"When confronted and brought to the barangay, the man was arrogant and refused to provide his address. He told us to write to the Chinese Embassy. Because of this, he remains free to roam the streets, to roam the gardens," sabi nila.
Ayon sa organisasyon, ipagbigay-alam sa volunteer group na ATG Cats kung may impormasyon. Bibigyan ng "substantial monetary reward" ang makapagtuturo sa lokasyon ng lalaki. | via Interaksyon