09/01/2026
To All Makatizen !!!
Bahay-to-Bahay Pet Bakuna, Simula na!
Mag-iikot ang Makati Veterinary Services Department upang magbigay ng libreng anti-rabies vaccination simula January 12, 2026, mula 8:30 AM hanggang 3:00 PM.
Magsisimula ang bakunahan sa P. Medina corner Arnaiz at magpapatuloy sa mga susunod na araw hanggang mapuntahan ang lahat ng kalye sa Barangay Pio del Pilar.
Mangyaring hintayin ang pagdaan ng VSD team at humihingi po kami ng inyong unawa at pasensya dahil isa-isang pupuntahan ang bawat bahay.
Pakihanda rin ang vaccination cards ng inyong mga alagang hayop.
Sama-sama nating panatilihing ligtas at rabies-free ang Makati.