30/04/2026
BAKIT NATIN KAILANGAN LAGYAN NG WATER PLANTS / AQUATICS PLANTS SA ATING POND?
🌿 1. Natural water filtration
Ang aquatic plants sumisipsip ng ammonia, nitrites, at nitrates (galing sa dumi at tira ng pagkain).
👉 Resulta: mas malinis na tubig, less water change, iwas lason sa crayfish.
🫧 2. Oxygen supply
Sa proseso ng Photosynthesis, naglalabas sila ng oxygen sa tubig.
👉 Resulta: mas healthy ang crayfish at iwas suffocation lalo na sa gabi kung kulang aeration.
🛡️ 3. Taguan at protection
Mahilig magtago ang crayfish, lalo na pag molting (mahina sila).
👉 Resulta: mas mataas survival rate dahil may protection laban sa kapwa crayfish (iwas cannibalism).
🍃 4. Natural food source
Kinakain nila ang malambot na parts ng plants o algae na tumutubo dito.
👉 Resulta: dagdag sustansya at mas natural ang diet.
🌊 5. Kontrol sa algae
Nakikipag-compete ang plants sa algae sa nutrients.
👉 Resulta: hindi agad nagiging green o malabo ang tubig.
🌡️ 6. Temperature control
Nagbibigay ng shade ang plants.
👉 Resulta: mas stable ang temperatura ng tubig, iwas stress sa crayfish.