31/10/2026
Put them in Jail! โผ๏ธโผ๏ธ
WALANG BUHAY NA DAPAT ITURING NA BASURA: JUSTICE FOR THE CSJDM 29 PAWS!
Dalawampu't siyam (29) na alagang aso at pusa ang natagpuang itinapon sa isang bakanteng lote sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Hindi sila basta mga bangkay na maaaring itapon kung saan-saan. They were once beloved companions, members of families, and lives that deserved care and dignity, even in death.
Mariing kinokondena ng BulSU Student Government Environmental Committee (EnviCom) kaisa ang BulSU-Bound Tails at BULSU SG Office of the Vice President - OVP ang ganitong paglapastangan sa kapakanan ng mga hayop. Naninindigan tayo na ang paggalang sa buhay ay hindi lamang para sa tao. Walang makatao at makatarungang lipunan kung hinahayaan nating manaig ang kalupitan at kawalan ng pananagutan.
Nananawagan tayo sa Lokal na Pamahalaan ng San Jose del Monte na agarang imbestigahan ang insidente at panagutin ang sinumang mapatunayang responsable. Hinihimok din natin ang Sangguniang Panlungsod na magsagawa ng legislative inquiry in aid of legislation upang siyasatin ang mga pagkukulang sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas at maglatag ng mas matibay na mekanismo para sa proteksyon ng mga hayop.
Dapat mahigpit na ipatupad ang Animal Welfare Act of 1998, as amended, at ang City Ordinance No. 2020-048-09, na nagbabawal sa pagtatapon ng mga bangkay ng hayop sa mga pampublikong lugar. Kasabay nito, isinusulong natin ang pagpasa ng House Bill No. 11495 o ALAGA Act (Animal Life Advocacy and Guardianship Act) upang higit pang palakasin ang proteksyon sa mga hayop at tiyakin ang pananagutan sa mga kaso ng pagmamalupit at pagpapabaya.
Hindi sapat ang pagkondena. We demand a thorough investigation, concrete action, and accountability. Hindi dapat maging normal ang kalupitan sa mga hayop.
JUSTICE FOR THE CSJDM 29 PAWS!
Para sa karagdagang konteksto:
https://www.facebook.com/share/p/19Hp5ikhGE/