02/02/2023
MALIGAYANG KAPISTAHAN SA ATING PATRONA, ANG NUESTRA SENORA DE LA CANDELARIA!!!
PANALANGIN PARA SA PATRONA NG SAFL ANG MAHAL NA BIRHEN NG CANDELARIA
Mahal na Inang Maria, Birhen ng Candelaria, niluluwalhati namin ang Panginoong Diyos sa pagkakahirang Niya sa iyo upang maging Ina ng Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus. Karapat-dapat ka sa natatanging pagpapala Niya sa iyo sapagkat buong katapatan mong isinabuhay at pinanindigan ito. Sa sinapupunan pa lamang ay pinili ka nang Diyos para sa Kanyang magandang plano sa pagdating sa Manunubos, kaya’t dinalisay ka Niya sa kasalanang mana. Ginampanan mo ang dakilang papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Naging kasangkapan ka ng Diyos upang matupad ang inaasam ng baying Israel. At para sa iong Anak na si Jesus at sa iyong Esposong si San Jose, ikaw ay naging Ilaw ng tahanan, ulirang Ina at butihing May-bahay. Tinanglawan mo ang noon ay murang isipan ni Jesus, ginabayan Siya, nakiisa sa Kanyang pangangaral, nakidalamhati sa Kanyang pagdurusa at nakigalak sa muki Niyang pagkabuhay.
O Mahal na Birhen ng Candelaria, habang dinadala mo sa iyong mga bisig ang Panginoong Jesus, inihaharap mo naman siya sa amin upang masilayan namin ang Liwanag ng sanlibutan na tumatanglaw sa amin buhay. Anong ligaya ang aming nadarama kapag pinagmamasadan ka namin at ang iyong Anak. Nababatid namin na patuloy ,mong ginagampanan hanggang ngayon ang iyong pagiging Ina ng sangkatauhan, na lagi mong inilalapit sa Panginoong Jesus an gaming kalagayan, mga panalangin at hangarin. Nawa, maging kalugud-lugod saiyo itong ginaganap naming pagpaparangal sa iyo kalakip ang aming kahilingan. Amen.
NUESTRA SEÑORA DE LA CANDELARIA DE SILANG,
IPANALANGIN MO PO KAMI!
VIVA LA VIRGEN!
VIVA CRISTO REY!
VIVA CANDELARIA!