24/02/2026
๐๐ ๐ค๐๐ฉ๐จ๐ง, ๐ญ๐ข๐ฒ๐๐ค ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง
Bilang bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa kalusugan ng publiko, kapakanan ng hayop, at responsableng pet ownership, nakikiisa ang pamahalaan sa pagdiriwang ng World Spay Day.
Layon ng araw na ito na ipaalam sa mga Imuseรฑo ang kahalagahan ng pagpapakapon sa mga alagang a*o at pusa upang maiwasan ang pagdami ng mga hayop na napababayaan at mapabuti ang kanilang kalusugan.
Narito ang benepisyo ng pagkakapon sa mga alagang a*o at pusa, ayon sa The Philippine Animal Welfare Society (PAWS):
๐ขPagbaba sa bilang ng mga a*o at pusa na kalimitang inaabandona at nagpapagala sa lansangan.
๐ขMas mababa ang tyansa na magkaroon ng kanser, higit ang breast cancer at pyometra sa mga babae habang testicular cancer sa mga lalaki.
๐ขMas mahabang buhay ng tatlo hanggang limang taon.
๐ขMas maamong pag-uugali.
๐ขMaiibsan ang pag-ihi kung saan-saan.
Ang kapon ay mahalaga para sa kabuuang kalusugan at kapakanan ng mga alagang a*o at pusa. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at fur parents, makakamit ng bawat isa ang mas ligtas at mas maayos na komunidad.
Sa Imus, nagbibigay ng abot-kayang kapon ang Office of the City Veterinarian para sa mga alagang hayop na hanggang 15kg ang timbang.
Maging responsableng fur parent, ipakapon ang inyong fur babies.