30/01/2026
Pasensya na po at ngayon lang namin nabasa ang review. Maraming salamat po sa paglalaan ng oras para magbigay ng feedback. Gusto lang po naming magbigay ng kaunting paliwanag tungkol sa concern na hindi ganoon kalinis ang ilan sa aming fish tanks.
Sa loob po ng halos 5 taon, araw-araw po kaming walang direktang suplay ng tubig. (Yes po, Maynilad area po kami.) Karaniwan po, nagkakaroon lamang kami ng tubig mula 12:00am hanggang 6:00am. Dahil dito, kung may kailangang linisin o palitan ng tubig, kadalasan po ay gumigising kami ng madaling-araw para maglinis ng mga tanks.
Aminado po kami na may mga pagkakataon na, dahil sa sobrang pagod sa maghapong bukas ang shop at dami ng ginagawa, ay hindi na po kami nagigising sa madaling-araw. Pero nais po naming ipaalam na ginagawa po namin ang aming makakaya para mapanatiling malinis at maayos ang aming shop at mga alagang isda.
Dagdag pa po rito, ay sobrang lakas po ng chlorine ng tubig mula Maynilad, kaya mas lalo po kaming nahirapan. Kahit mag-imbak po kami ng tubig nang hanggang 5 araw, amoy na amoy pa rin po ang chlorine. Kapag naman po ay deep well ang ginamit, ayaw po ng isda at namamatayan din kami.
Hindi po namin ito sinasabi bilang dahilan, kundi bilang paliwanag sa sitwasyon na patuloy po naming hinahanap ng solusyon. Patuloy po kaming nag-aadjust at nagsusumikap para mas mapabuti pa ang aming serbisyo at kalinisan ng aming mga tanks.
Maraming salamat po sa aming mga suki at resellers na patuloy na umiintindi, sumusuporta, at nagtitiwala sa amin. π₯°
God bless sa inyong lahat. β¨