19/03/2025
We are a proud partner! See you po on March 20, 2025!
Ang City Government of General Trias, sa pangunguna ng City Health Office - General Trias, Cavite, City Veterinary Office- General Trias City, at Barangay San Francisco - GTC Official ay inaanyayahan ang lahat ng residente na dumalo sa Rabies Awareness Month Celebration na gaganapin sa Marso 20, 2025, 6:30AM to 12NN sa Tierra Nevada Phase 1 Covered Court, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite.
Sa pagdiriwang na ito, ating paiigtingin ang kaalaman tungkol sa rabies at responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop. Magkakaroon ng mga sumusunod na aktibidad:
Day 1 - March 20, 2025:
✅ Pet Dog and Cat Parade/Walk kasama ang iba’t ibang grupo at mga tagapagtaguyod ng responsableng pag-aalaga ng hayop (magsisimula ng 6:30AM sa San Franciso Barangay Hall)
✅ Forum mula sa DOH Region 4A Rabies Control Program at Dog Behaviorist
✅ Pre-Exposure Vaccination para sa mga dog catchers
✅ Libreng Bakuna laban sa Rabies para sa mga A*o at Pusa (Care of City Veterinary, until supplies last)
✅ Pet Grooming para sa inyong mga alaga (Limited slots only)
Day 2 - March 27, 2025, at City Veterinary Office, Brgy. Pa*ong Kawayan II
✅ Libreng Castration/Kapon ng Alagang A*o/Pusa (with Pre-Registration. Kindly check City Veterinary Office- General Trias City page for more details)
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa layuning ito upang mapanatili ang isang ligtas at rabies-free na komunidad! Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang matuto at makibahagi sa ating adhikain para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat.
📍 TANDAAN: Marso 20, 2025, 6:30AM to 12NN | Tierra Nevada Phase 1 Covered Court, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring mag-iwan ng mensahe sa aming page o mag-email sa [email protected].
Let's Join Forces For A Rabies-Free GenTri!
Jonathan Porto Luseco