22/06/2026
Realtalk!!!
Nag-order ho kami sa inyo sa pahulugan nyo ng baby trio at tatlong baby cross pullets. Matagal pa ang due eh tapos ko na yung payment. Nagrequest ako sir kako kung pwede na ipili nyo na kami kasi baka yung matira sa amin ay mga pinagpilian na, sabi nyo pa sa post nyo wag magalala na napagpilian na yung mga manok kasi marami pa ang andun. Anong nangyari sir? Yung inabutan namin dun kaunti na lang ang pagpipilian, may mga deperensya pa at sipunin yung karamihan. Nakausap ko kayo sir, sabi nyo na ayos laang iyon at nastress laang ang mga manok. Sir kung ibabalik ko ho sa inyo ang tanong, kunwari laang ho ay umorder kayo ng ice cream kasi may handaan kayo, nung pinick-up nyo ay tunaw, at sinabi sa inyo na ayos laang yan at yan nainitan laang, ano ho kaya ang mararamdaman ninyo? Ito ho ang point ko:
1. Kami ho ay tumangkilik sa inyong pahulugan, alam ko ho naman na iyan ay negosyo, na malaki ho ang inyong nagastos na puhunan. Pero di po ba, iniisip din natin ang kalidad nang mga inilalabas natin para sa mga consumer? Hindi ho kasing laki ng mga milyon na inyong nagastos para sa puhunan ang naibayad ko para sa trio at baby pullets, pero iyan hong ibinayad ko ay pinaghirapan ko dito sa ibang bansa.
2. Ako ho ay nagreserve ng mga bloodlines nung trio at pullets kasi may mga pinaplano ho ako na bloodlines. Pure na boston trio at mga cross na boston din ang inorder ko, pero dahil wala nang mapagpilian dun sa mga nanduon sa inyo napilitan ako na kumuha ng ibang bloodlines. Result, naging parang chopsuey na, halo-halo na.
3. Sir, pasabihan sir yung quality control nyo, pag reject na sana sir wag ng i-out.
4. Yung free na dalawang itlog hindi pa sana ibibigay. Pinabalikan ko pa at nanghihinayang ako sa laki ng binayaran ko tapos di ko pa makukuha kahit man lang yung free na yun. Sabi pa nung tao mo para lang daw yun sa mga repeat buyers. Kumuha ako ng paluwagan which is bayad na tapos kumuha pa ako ng fertile eggs, di pa po ba sapat iyon? Nakuha naman sir, pero kung hindi pa nirepite eh hindi maibibigay. Ang sabi nyo pa sir hindi uuwing walang dala, kaso yung dala may kasamang sama ng loob!
5.Disappointed talaga ako sir, dapat kami ang priority nyo kasi bayad na kami sa pahulugan nyo, yung para sa amin hindi na sana kasama dun sa mga pinagpipilian ng mga walk in buyers nyo. Yung sinasabi nyo na nastress ang mga manok kaya sinipon, hindi mangyayari yun kung inihiwalay nyo na yung mga para sa amin na nag-avail na ng pahulugan nyo. Bukod sa sinipon yung mga manok eh napagpilian pa!
6. Wala ho akong problema sa presyo nyo, alam ko ho na mahal ang materyales, pero yung halaga ho sana ng manok eh katumbas din sana ng kalidad,, need nyo sir mag-improve ng quality control nyo, either magpalit tao o madagdag kayo ng marunong talagang kumilatis ng manok. Yan sir ang ikakasira ng negosyo nyo,, Sa laki na ng ipinuhunan nyo sir, milyon na. More room to improve sir!!! Again, very disappointing sir,, binabalak ko pa naman mag-avail ng ofw package nyo at interesado rin yung iba ko pa na katrabaho dito, pero di na lang siguro sir!
Sir, di ko na papangalanan ang page mo kasi baka makasira pa sa negosyo mo, pero nakaka-disappoint talaga!