Gilmarie Rabbit Meat & Rabbitry

Gilmarie Rabbit Meat & Rabbitry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gilmarie Rabbit Meat & Rabbitry, Pet service, General Mariano Alvarez.

24/01/2023

Kanina sa biyahe nakakita ako ng
lalaki na hindi bag ang dala, hindi din eco bag
ng mga pinamili, o hindi rin sako ng bigas man lang…

Alam n’yo kung ano?
CABINET!
Opo, cabinet ang kanyang buhat buhat
sa kanyang likod sa gitna ng initan.

Hindi ito nalalayo sa mga nakikita nating
magtataho, naglalako ng mga balde at timba,
at yung mga trabahong nakabilad sa initan,
palakad lakad sa kalsada.

Ang iba pa sa kanila may kapansanan
pero push lang ng push para lang
may maiuwi sa kanilang pamilya.

Ngayon, sa ating mga:

Nakahiga
Pa tv tv lang at
Inaasa ang lahat sa iba…
Let me ask you this question:
“What’s your excuse?”

“Eh kasi Chinkee hirap maghanap ng trabaho”
“Kakapagod kasi, tapos ‘di naman matatanggap”
“Ang hirap gumising sa umaga”
“Ayoko nga tapos aalilain lang ako”

Oh, pa’no naman tayo aasenso niyan
kung wala pa nga nasisimulan give up na kaagad?
Malakas naman ang pangangatawan,
may kakayahan at talino, pero bakit tayo tamad?

Tandaan natin mga friends na…

WALANG UMAASENSO NG OVERNIGHT

Gusto natin yumaman
pero ayaw magbanat ng buto.

Gusto natin umasenso
pero konting hirap lang suko na kaagad.

Gusto natin makabili ng bahay, kotse at magtravel,
hindi naman tayo nagtatrabaho.

Gusto natin maging manager
nag fe-facebook lang naman tayo
sa oras ng trabaho.
Ang pera at tagumpay ay hindi
naman parang bunga na nalalaglag lang
o pwede nating pilitin na
sungkitin na hindi pa hinog.

Dadaan muna tayo sa butas ng karayom.

MATUTO DAPAT PAGHIRAPAN ANG ISANG BAGAY

Banat banat din naman ng buto
pag may time at huwag puro pasarap lang.

Kapag sinabing paghirapan,
ito yung mga simpleng bagay lang na:

Pagpila
Paghihintay sa turn natin
Pagiging matiyaga at matiisin sa trabaho
Kahit ano ipagawa, push lang
Mas masarap sa pakiramdam yung
magsisimula tayo sa pinaka baba
at nakikita natin ang sarili natin na
paangat ng paangat dahil sa pagsisikap.

Karamihan kasi sa atin, wala pa nga,
inuuna kaagad ang reklamo.

Lahat ng bagay may nasasabi
kaya tuloy walang natatapos.
Una pa lang kasi wala na yung
puso natin sa ginagawa natin.

Subok muna.
Process yan eh.
Matatagalan PERO all worth it.

HUWAG SAYANGIN ANG BIYAYANG TALENTO AT TALINO

Tayo ay mapalad at binigyan
tayo ng utak at talento para
gamitin ito ng tama at hindi para
iparada lang at gagamitin kung
kailan lang natin gusto.

Wala tayong excuse lalo na’t
we are functioning well.

Sabi ko nga yung iba nga diyan
may kapansanan na’t lahat pero
sila pa itong masisipag.

Lahat gagawin para sa pamilya.

Gawin natin silang inspirasyon.

“Kung gusto talagang umasenso, tanggapin na kailangangdumaan sa butas ng karayom.”
-Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

1. Anong dahilan kaya ‘di mo ginagawa ang best mo?
2. May humahadlang ba?
3. Paano mo gagawing inspirasyon yung mga taong nabanggit?
===================
Learn and Earn today.
Visit: https://chinktv.com/products/all-access

Maraming salamat po lahat ng mga tumangkilik ng aking Rabbitchon, Rabbit pets at Rabbit meat..hanggng sa muli mga ka rab...
18/03/2022

Maraming salamat po lahat ng mga tumangkilik ng aking Rabbitchon, Rabbit pets at Rabbit meat..hanggng sa muli mga ka rabbit🐇🐇🐇🥰🙏🙏🙏
For order just direct msg or call my number 09455442255..kht malayo pwde po ipaship..mura lng po ito..maraming salamat po

26/01/2022
Pareserve npo kau
26/01/2022

Pareserve npo kau

18/01/2022



12/12/2021

For Sale RABBITCHON!!!
MASARAP MALASA AT MASUSTANSIYA
EXTENDED PROMO TILL DEC 15 2021
HEALTHY EATING FOR HEALTHY LIVING
JUST CALL MY # 09455442255

Address

General Mariano Alvarez
4117

Opening Hours

Saturday 6am - 5pm
Sunday 6am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gilmarie Rabbit Meat & Rabbitry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category