09/11/2022
Kapag nakuha mo ang iyong 8-10 weeks old na tuta, mangyaring alalahanin ang larawang ito. Makikita mo na hindi pa nagkakadikit ang kanilang mga buto. Ang kanilang mga kasukasuan ay ganap na binubuo pa lamang ng kalamnan, litid at ligaments na may nakatakip na balat. Wala pang magkadikit o may totoong socket.
Kapag sobra mo syang pinapatakbo at hindi pinaghihigpitan ang ehersisyo ay hindi mo sya binibigyan ng pagkakataong lumaki ng maayos. Ang bawat malaking pagtalon o nasasabik na pagtakbo ay nagdudulot ng mga epekto na ikasisira ng development ng pagitan ng mga buto.
Kapag hinahayaan mo ang tuta mo na tumalon pataas at pababa mula sa lounge o k**a o kapag dinala mo ang tuta sa mahabang paglalakad/pag-hike, nasisira mo ang nabuong joint. Kapag hinayaan mong maglaro ang tuta sa madulas na tiles na walang traksyon, nasisira mo ang joints. Ang pagbato ng frisbee ng malayuang distansya, ang pag akyat at baba sa hagdan, ang biglang pag preno gamit ang mga harap na paa at ang rough play ay mga activities na dapat limitahan o iwasan. Ang bone development ng puppies ay umaabot ng 18-24months.
Isang beses ka lang magkakaroon ng pagkakataon na palakihin ng tama ang iyong tuta at kapag lumaki na sya, ay maari mo ng igugol ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa paglalaro at pag-eehersisyo. Kaya't kalma lamang habang maliliit pa sya.
Tandaan na ang pinak**agandang regalo na maibibigay mo sa iyong alaga ay ang tamang pagpapalaki.