29/07/2026
๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐ข ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ก๐ โ
Pasado na sa Third Reading ang ating kambal na panukalang batasโang ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐
๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฐ๐ at ang ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐๐ฐ๐โmga mahahalagang reporma upang mapalakas ang food security ng bansa at maiangat ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.
Isa itong mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng mas matatag, mas produktibo, at mas sustainable na sektor ng agrikultura na makatitiyak ng sapat at abot-kayang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Layunin ng ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ต๐ต๐ญ, o ang ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐
๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฐ๐, na magtatag ng isang mas matatag, mas mabilis tumugon, at mas coordinated na ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฎ๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฒ๐
๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐๐๐ฒ๐บ na magbibigay sa mga magsasaka at mangingisda ng napapanahong technical assistance, research-based technologies, climate-smart farming practices, at tuloy-tuloy na capacity-building.
Samantala, layunin naman ng ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ต๐ต๐ฌ, o ang ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ ๐๐ฐ๐, na muling itatag ang ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ด๐ฟ๐ถ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ upang palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at mangingisda na makapag-organisa at maging mas competitive.
Kapag mas matatag ang ating mga agricultural cooperatives, mas mapapadali ang kanilang access sa financing, mga pamilihan, makinarya at kagamitan, at iba pang value-adding opportunities na makapagpapalaki ng kanilang kita.
Nagpapasalamat tayo sa ating mga kapwa senador sa kanilang suporta sa mga panukalang ito. Umaasa rin tayo na agad na makukumpleto ng Kongreso ang legislative process upang maisabatas ang mga ito.